.

Alwyn Uytingco Will Fight Anyone Who Demeans Girlfriend Princess Ryan!

Alwyn Uytingco Will Fight Anyone Who Demeans Girlfriend Princess Ryan!

Dahil sa pagiging effective niya sa kanyang role as the gay son of Ai-Ai delas Alas in Tanging Ina N'yong Lahat, ang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Star Cinema, nabuksan na naman tuloy ang mga kuwestiyon sa gender ni Alwyn Uytingco.

Ito ay sa kabila pa ng dalawang taon nang itinatakbo ng relasyon nila ng girlfriend na si Princess Ryan. Kaya sa panayam ng PEPkay Alwyn sa nakaraang prescon ng Tanging Ina N'yong Lahat, nitong nakaraang linggo, agad na tinanong ang aktor kung ano ang komento niya sa nasabing isyung ito tungkol sa kanya.

"Nung unang ipinalabas yung first Tanging Ina, tinanong na ako tungkol diyan, ‘Alwyn, bading ka ba talaga?' kasi daw parang sobrang bagay sa akin yung karakter, parang natural daw. Sa loob-loob ko lang, di lang nila alam kung ano ang pinagdaanan ko para lang maging ganun kaganda yung rehistro ng acting ko sa movie, kung paano ako sobrang pinagagalitan ni Direk Wenn [Deramas] dahil napakatigas daw ng dating ko.

"Naiisip ko nga dun sa nagsasabing napakatural daw ng dating ko for my role, ‘Nagbibiro ba kayo?' But naisip ko rin na it's a compliment kung iiisipin natin, di ba? Sa akin kasi bahala sila kung ano ang gusto nilang isipin sa akin. Wala akong pakialam, kilala ko ang sarili ko."

KISSING SCENE WITH ANDREW. May kissing scene si Alwyn with Andrew Wolfe sa nasabing pelikula, ikinuwento ni Alwyn kung gaano kahirap para sa kanya na gawin ang eksenang ito. Pero dahil alam niya ang trabaho niya bilang artista, ginawa niya pa rin ang inuutos sa kanya at ang gustong mangyari ni Direk Wenn.

"Alam ko na may ganung eksena, ginawa ko na rin naman ito nung first Tanging Ina but it was just a fake, almost magki-kiss, ‘tapos cut na. Pero this time, nung nandun sa mic si Direk Wenn, nagsalita siya, ‘Sige, magki-kiss kayo, magki-kiss talaga kayo.' Nagkatinginan kami ni Andrew, ‘Bro, ano ang gagawin natin?' Sabi ko kay Direk Wenn, ‘Wala namang ganung usapan.'

"Ang explanation niya sa akin, siyempre kailangan naming gumawa ng something new kasi nung first movie nga raw di natuloy. Gawin na lang daw namin dahil kung hindi naman daw puwede, puwedeng ipa-edit out yun.

"Di namin nakuha ng 1st take, nagro-roll pa lang pero tawa na kami nang tawa ni Andrew, sobrang awkward yung feeling but in the end, naging kumportable na kami, okey na. Yung buong eksena, mahaba pero yung pinaka-shot, two seconds yata. Sabi ko na lang di ko na uulitin, muntik na akong bangungutin."

AGAINST PRINCESS GOING SEXY. Open book ang relasyon nila ni Princess Ryan, na sexy sa Banana Split pero mas daring ang role sa Eva Fonda. Aminado si Alwyn na kung siya ang tatanungin ay di gaanong aprubado sa kanya ang ginagawang pagpapa-sexy ng girlfriend kung kaya't di na nga niya pinapanood ang nasabing teleserye.

"Di kami nagkaproblema sa Banana Split kundi sa Eva Fonda. Maraming mga eksena dun na para sa akin extreme na yung ginawa niya. Pero dahil alam ko na proud siya sa ginawa niya, na gusto niya yung mga eksena dahil kailangan daw para sa character niya as Osang, at di magwo-work ang story pag di niya ginawa, wala na akong nasabi.

"Kinuwento niya sa akin yun, tapos na, tumahimik na lang ako, tiningnan ko lang siya. Wala, e, nangyari na pero almost bad trip na ako pero hinahayaan ko na lang, ganun talaga, e. Di ko na lang pinapanood yung Eva Fonda."

Nagbigay din ng payo si Alwyn sa girlfriend na karapatan din nitong tumanggi sa eksena pag pakiramdam nito ay lumalagpas na ang pinaggagawa sa kanya at nababastos na ang girlfriend.

"Desisyon niya yun, as much as possible ayoko siyang gawing issue. Dati pa sinabi ko naman sa kanya na kung may gagawin siyang bagay na pagsisisihan niya, 'wag niyang gawin. Saka kung alam niya na nakakabastos na sa pagkatao niya yung pinagagawa sa kanya, kahit ano pa ang sabihin ng director sa kanya, kung sa tingin niya nakakabastos na sa pagkatao niya, 'wag niyang gawin."

WILL FIGHT FOR PRINCESS. Sa pagiging daring ni Princess sa dalawang shows na nilalabasan ay di maiiwasang pagpantasyahan ito ng mga kalalakihan. Para kay Alwyn ay di naman ito problema basta 'wag lang may harap-harapang babastos sa girlfriend dahil isa itong bagay na hindi niya mapapalagpas.

"Okey lang maging proud, pero mayroon pa ring kaunting over-protective [na feeling] kasi girlfiend ko yun. Di ko mapipigilan na maging ganun ang tingin sa kanya ng mga tao na hahangaan talaga siya, okey lang yun sa akin basta 'wag lang babastusin.

"Pag nangyari ‘yan, wala na, baka magkita tayo sa ibang pagkakataon, ibang isyu na ang pinag-usapan natin. Pag binastos si Princess, di ko na mapipigilan ang sarili ko, kahit na sino pang artista o may pangalan, di ko sasantuhin, kahit nasa loob pa kami ng ABS o mall, wala akong pakialam. Iba ako pag nagalit, 'saka pag girlfriend ko na, ibang usapan na ‘yan."

~Melba Llanera



Post a Comment

what can you say about this?! :)

ABS-CBN GMA-7 PBB Marian Rivera TV Ratings Movies TV5 Magazines Star Cinema Angel Locsin Videos Music Site News Awards Scandals Dingdong Dantes Piolo Pascual StarStruck MMFF Manny Pacquiao Asianovelas Kris Aquino Beauty Pageant Katrina Halili Sarah Geronimo Survivor Philippines Wowowee KC Concepcion Myx Richard Gutierrez Sam Milby Cristine Reyes Karylle Marky Cielo Anne Curtis Charice Pempengco Judy Ann Santos Sports Gerald Anderson Heart Evangelista John Lloyd Cruz Pinoy Fear Factor FHM GMA Films Hollywood Kim Chui Poll Angelica Panganiban Celebrity Feuds Joey De Leon Jericho Rosales Regine Velasquez Ruffa Gutierrez Viva Films ASAP Bea Alonzo Blind Item Jennylyn Mercado Regal Entertainment Robin Padilla Rufa Mae Quinto SOP Sam Pinto StarTalk The Buzz Willie Revillame Willing Willie Jake Cuenca Luis Manzano Politics Roxanne Guinoo Shaina Magdayao Sharon Cuneta Vice Ganda Aga Muhlach Andi Eigenmann Betty La Fea Celebrity Duets Entertainment Live Eugene Domingo Gretchen Barretto Komiks Presents Kristine Hermosa Mariel Rodriguez Ogie Alcasid Paolo Bediones Phil Younghusband Shalani Soledad Toni Gonzaga Aljur Abrenica Denise Laurel Gabby Concepcion Iza Calzado JM De Guzman Joey Marquez John Lapus Justin Bieber Kris Bernal LJ Reyes Ma. Venus Raj Maalaala Mo Kaya Mr. Fu Nadine Samonte Patrick Garcia Pokwang Sandara Park Selena Gomez Showbiz Central Sid Lucero Solenn Heusaff Star Circle Quest Tayong Dalawa Valerie Concepcion AJ Perez Agot Isidro Ai Ai delas Alas Albert Martinez Albie Casiño Alessandra De Rossi Alex Gonzaga Alfred Vargas Annabelle Rama Audie Gemora Bayani Agbayani Billy Crawford Binibining Pilipinas Boys Over Flowers Britney Spears Buboy Villar Carla Humphries Carlo Aquino Chito Roño Chris Brown Christopher de Leon Claudine Barretto Coco Martin Coney Reyes DJ Durano Danita Paner Derek Ramsay Diana Zubiri Diane Medina Diether Ocampo ETC Eat Bulaga Edgar Allan Guzman Endorsements Erik Matti Erik Santos Eula Valdez Gloria Diaz Hayden Kho JC de Vera Jackie Rice Jason Francisco Jeffrey Tam Jennica Garcia Jennifer Lopez Joey Reyes John Estrada John Prats Julia Montes Kathryn Bernardo Kean Cipriano Lady Gaga Lauren Young Lee Min Ho Lovi Poe Lucky Mercado Luis Alandy Maggie Wilson Mang Enriquez Marco Alcaraz Maria Venus Raj Mariah Carey Mark Bautista Marvin Agustin Matteo Guidicelli Maxene Magalona May Bukas Pa Megan Young Melai Cantiveros Melason Melissa Ricks Michael V Mikael Daez Miko Petito Nonito Donaire Paulo Avelino Princess Ryan Rachelle Ann Go Rainier Castillo Randy Santiago Raymond Isaac Rayver Cruz Rhian Ramos Rich Asuncion Richard Gomez Rodjun Cruz Rufa Mi Ryan Cayabyab Sexbomb Girls Sheena Halili Studio 23 Sugar Mercado Susan Roces TJ Trinidad TV Commercial Technology Vanessa Hudgens Vic Sotto Wanlu Wilma Doesnt Xyriel Manabat Yeng Constantino Zac Efron Zanjoe Marudo

Showbiz Updates



Twitter and Facebook!



Disclaimer:

All images are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted. All visual content is copyright to it's respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be promptly removed.

We are not responsible for content on any external website, and a link to such site does not signify endorsement. Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's proprietors do not make warranty as to the correctness or reliability of the site's content.

This blog is not affiliated in any way with ABS-CBN, GMA-7, TV5, NBN4, QTV, Studio 23, CS9, IBC-13, MYX, ETC, SBN 21 or even Net25, its affiliates and subsidiaries. To know more, please read this blog's Privacy Policy.

  © Blogger template Shush by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP