.

Director Joey Reyes Explains 2 Reasons For Dropping Richard Gutierrez - KC Concepcion Valentine Movie

Director Joey Reyes Explains 2 Reasons For Dropping Richard Gutierrez - KC Concepcion Valentine Movie

Masaya na si Direk Joey Reyes nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) bago ang special press preview ng Magkaibigan—ang entry ng Maverick Films sa 2008 Metro Manila Film Festival—sa Podium Cinema kagabi, December 17. Dumalo rin sa movie preview ang mga bida ng Magkaibigan na sina Jinggoy Estrada, Christopher de Leon, Maricel Laxa, Dawn Zulueta, at ang mga gumanap na anak nila na sina AJ Perez at Ryan Julio.

Inamin ni Direk Joey na medyo down ang pakiramdam niya lately. Pero aniya, "Bigla akong sumigla last Tuesday [December 16] nang ibalita sa akin na nabigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board ang movie namin. Okey rin sa akin na PG-13 ang classification na ibinigay ng MTRCB, dahil sa tema ng pelikula. Kailangan talaga ang guidance ng parents nila sa mga bata below 13 na manonood ng movie.

"Sabi ko nga, lalong makukumpleto ang saya ko kung mabibigyan din kahit ng B rating ng CEB ang isa ko pang filmfest entry, ang One Night Only ng OctoArts Films. Pero kung mabibigyan din ito ng A, magsasayaw ako nang hubad diyan sa Timog Circle! Naku, joke lang ‘yon, ha!" tawa niya.

Binati namin si Direk Joey pagkatapos ng screening dahil halos lahat ng nanood ng Magkaibigan ay lumabas sa sinehan na nagpapahid pa ng luha. Maganda raw at malinis ang script niya.

"Sana, makita ng mga manonood ang gusto naming iparating sa pamamagitan ng pelikula," saad ng direktor. "Alam naming maraming makaka-relate sa mga manonood ng movie, lalo na yung mga may pinagdaanang karamdaman sa pamilya na tulad ng ikinamatay ni Boyet [Christopher de Leon bilang Daboy] sa story. At nagawa ko ito dahil sa mahuhusay na artista ko na nagampanan ang kani-kanilang roles sa movie."

Manonood ba si Lorna Tolentino ng premiere night ng Magkaibigan sa Sabado, December 20, sa SM City North EDSA?

"Sana," sagot ni Direk Joey. "Gusto kong malaman ang reaction niya, pero parang hindi ko kayang tingnan si Lorna if ever dumating siya sa premiere showing. Pero tribute namin talaga ito para kay Daboy [Rudy Fernandez, Lorna's husband]."

Ang istorya ng Magkaibigan ay inspired sa pagkakaibigan ni Jinggoy at ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez.


DIREK JOEY RESIGNS. Tinanong namin si Direk Joey kung ang dahilan ng pagiging down niya lately ay dahil sa pagbitiw niya bilang direktor ng Valentine movie nina Richard Gutierrez at KC Concepcion for GMA Films and Regal Entertainment.

"Yes," pag-amin niya. "Down ako dahil naawa rin ako sa mga tao ko na may trabaho sana ngayong Christmas, pero hindi nga natuloy. Kinausap ko na rin si Sharon [Cuneta, KC's mom] dahil alam niyang ako ang magdidirek ng second movie ni KC. Si Tita Annabelle [Rama, Richard's mom], nakausap ko na rin. Nakakatawa nga, pinatawagan niya sa secretary niya si Joey Abacan ng GMA Films, pero number ko ang na-dial niya kaya nagkausap kami.

"Sinabi ko sa kanila na labas sa pagre-resign ko sina Richard at KC. Nanghihinayang nga ako kasi si Richard, kahit ilang araw ko lang na-handle sa My Monster Mom, nakita ko kung paano siya magtrabaho. At si KC nga, matagal ko nang friend ang mommy niya at kilala ko na siya since noong bata pa siya na isinasama-sama ni Sharon sa taping at shooting.

"Naintindihan naman ako ni Sharon at ni Tita Annabelle nang sabihin ko ang two reasons ko kung bakit ako nag-resign. Una ay ang creative differences. Alam ko na as producers, may karapatan ang GMA Films at Regal Entertainment na mag-demand sa akin ng gusto nila, pero hindi kami talaga nagkasundo sa story.

"Ang pangalawa, ayokong ma-pressure na kailangang matapos ko ang project dahil may Valentine playdate na ang movie sa February 11. Mahirap mag-shooting kapag Christmas season dahil madalas hindi available ang mga artista. Sa January 6, birthday pa ni Sharon. Ayokong tanggapin ang project kung hindi ko ito matatapos nang maayos," paliwanag ni Direk Joey.

Alam ba niyang umiyak si KC nang malamang tinanggihan niya ang project?

"Mas iiyak naman ako kung hindi ko matatapos nang maayos on time ang pelikula nila ni Richard," sagot naman ni Direk Joey.

Alam ba niyang kay Direk Joel Lamangan ibinigay ang project?

"Yes," pagkumpirma ni Direk Joey. "Bago niya tinanggap, tinawagan muna ako ni Joel at sinabi niyang sa kanya raw in-offer ang pagdidirek ng movie. Sagot ko sa kanya, walang problema sa akin. Ganoon kami magsamahang magkakapatid na direktor, na hindi basta tatanggap ng project kung alam naming may una nang pinagbigyan nito.

"Sana ay magawa rin ang ganito ng ibang mga mas batang direktor na magkaroon ng delicadeza at rumespeto sa kanilang kapwa direktor. Kilala ko si Joel at naniniwala akong kaya niyang tapusin ang movie on time."

Ano ang susunod niyang project ngayong bakante ang schedule niya?

"Natapos ko na rin ang shooting ng Single ni Rufa Mae [Quinto] for Viva Films. Next year na ipalalabas ‘yon. May ilang projects din kaming pinag-uusapan ni Orly Ilacad sa OctoArts Films, pero siguro after na ng Christmas kami magmi-meet para doon."

Saan siya magpapalipas ng Holiday season?

"Sa Manila lang ako magki-Christmas. Pero ang New Year, sasalubungin ko sa Boracay para sa paggawa ng bagong kasalanan!" biro niya.

UPDATE ON RICHARD-KC MOVIE. Nakakuha naman ng update ang PEP tungkol sa Valentine movie nina Richard at KC, na may working title na Save The Best For Last, mula sa script ni Aloy Adlawan.

Mamayang hapon, December 18, ay may teaser shoot sina Richard at KC, na susundan ng pictorial. Pagkatapos ay ang final story conference.

Makakasama nina Richard at KC sina Eula Valdes as the aunt of KC, Cherry Pie Picache and Tonton Gutierrez as her parents, and Alfred Vargas as her boyfriend.

Si Iya Villania naman ang girlfriend ni Richard, si Freddie Webb ang daddy niya at friends nila sina Paolo at Bubbles Paraiso, at isang castaway ng Survivor Philippines.

Ayos na rin ang schedule ng shooting from December 20 to 23, then December 27 to 30. Magre-resume sila sa January 7 to 23, 2009. May one week shoot sila sa Coron, Palawan, pagkatapos ng mga eksenang kukunan sa Metro Manila.

Priority ito nina Richard at KC, dahil hindi pa naman sila magsisimulang mag-taping ng kani-kanilang teleserye hanggang hindi nila natatapos ng shooting.

~Nora Calderon



Anonymous –   – (Thursday, February 19, 2009 1:19:00 PM)  

atleast kumita naman siya wala naman sa director yan eh nasa artista yan

Post a Comment

what can you say about this?! :)

ABS-CBN GMA-7 PBB Marian Rivera TV Ratings Movies TV5 Magazines Star Cinema Angel Locsin Videos Music Site News Awards Scandals Dingdong Dantes Piolo Pascual StarStruck MMFF Manny Pacquiao Asianovelas Kris Aquino Beauty Pageant Katrina Halili Sarah Geronimo Survivor Philippines Wowowee KC Concepcion Myx Richard Gutierrez Sam Milby Cristine Reyes Karylle Marky Cielo Anne Curtis Charice Pempengco Judy Ann Santos Sports Gerald Anderson Heart Evangelista John Lloyd Cruz Pinoy Fear Factor FHM GMA Films Hollywood Kim Chui Poll Angelica Panganiban Celebrity Feuds Joey De Leon Jericho Rosales Regine Velasquez Ruffa Gutierrez Viva Films ASAP Bea Alonzo Blind Item Jennylyn Mercado Regal Entertainment Robin Padilla Rufa Mae Quinto SOP Sam Pinto StarTalk The Buzz Willie Revillame Willing Willie Jake Cuenca Luis Manzano Politics Roxanne Guinoo Shaina Magdayao Sharon Cuneta Vice Ganda Aga Muhlach Andi Eigenmann Betty La Fea Celebrity Duets Entertainment Live Eugene Domingo Gretchen Barretto Komiks Presents Kristine Hermosa Mariel Rodriguez Ogie Alcasid Paolo Bediones Phil Younghusband Shalani Soledad Toni Gonzaga Aljur Abrenica Denise Laurel Gabby Concepcion Iza Calzado JM De Guzman Joey Marquez John Lapus Justin Bieber Kris Bernal LJ Reyes Ma. Venus Raj Maalaala Mo Kaya Mr. Fu Nadine Samonte Patrick Garcia Pokwang Sandara Park Selena Gomez Showbiz Central Sid Lucero Solenn Heusaff Star Circle Quest Tayong Dalawa Valerie Concepcion AJ Perez Agot Isidro Ai Ai delas Alas Albert Martinez Albie Casiño Alessandra De Rossi Alex Gonzaga Alfred Vargas Annabelle Rama Audie Gemora Bayani Agbayani Billy Crawford Binibining Pilipinas Boys Over Flowers Britney Spears Buboy Villar Carla Humphries Carlo Aquino Chito Roño Chris Brown Christopher de Leon Claudine Barretto Coco Martin Coney Reyes DJ Durano Danita Paner Derek Ramsay Diana Zubiri Diane Medina Diether Ocampo ETC Eat Bulaga Edgar Allan Guzman Endorsements Erik Matti Erik Santos Eula Valdez Gloria Diaz Hayden Kho JC de Vera Jackie Rice Jason Francisco Jeffrey Tam Jennica Garcia Jennifer Lopez Joey Reyes John Estrada John Prats Julia Montes Kathryn Bernardo Kean Cipriano Lady Gaga Lauren Young Lee Min Ho Lovi Poe Lucky Mercado Luis Alandy Maggie Wilson Mang Enriquez Marco Alcaraz Maria Venus Raj Mariah Carey Mark Bautista Marvin Agustin Matteo Guidicelli Maxene Magalona May Bukas Pa Megan Young Melai Cantiveros Melason Melissa Ricks Michael V Mikael Daez Miko Petito Nonito Donaire Paulo Avelino Princess Ryan Rachelle Ann Go Rainier Castillo Randy Santiago Raymond Isaac Rayver Cruz Rhian Ramos Rich Asuncion Richard Gomez Rodjun Cruz Rufa Mi Ryan Cayabyab Sexbomb Girls Sheena Halili Studio 23 Sugar Mercado Susan Roces TJ Trinidad TV Commercial Technology Vanessa Hudgens Vic Sotto Wanlu Wilma Doesnt Xyriel Manabat Yeng Constantino Zac Efron Zanjoe Marudo

Showbiz Updates



Twitter and Facebook!



Disclaimer:

All images are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted. All visual content is copyright to it's respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be promptly removed.

We are not responsible for content on any external website, and a link to such site does not signify endorsement. Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's proprietors do not make warranty as to the correctness or reliability of the site's content.

This blog is not affiliated in any way with ABS-CBN, GMA-7, TV5, NBN4, QTV, Studio 23, CS9, IBC-13, MYX, ETC, SBN 21 or even Net25, its affiliates and subsidiaries. To know more, please read this blog's Privacy Policy.

  © Blogger template Shush by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP