.

Marian Rivera Admits Being Hurt by "Plastikada" Jab Of Veteran Writer

Marian Rivera Admits Being Hurt by

Ilang araw pagkatapos niyang umiyak sa presscon ng Desperadas 2, nakangiti nang humarap sa media ang aktres na si Marian Rivera sa red carpet premiere ng pelikula noong December 19 sa SM Megamall.

Matatandaang sa presscon ng Desperadas 2 noong December 15 ay hindi napigilan ni Marian na umiyak nang tanungin ang kanyang reaksiyon tungkol sa "meaningful smile" ni Karylle sa The Buzz noong December 14. Tinanong kasi ni Boy Abunda si Karylle kung totoong buntis si Marian, pero isang ngiti lamang ang ibinigay ng ex-girlfriend ni Dingdong Dantes.

Pero paliwanag naman ni Karylle, iniisip pa lang niya ang kanyang sagot nang biglang putulin ni Boy ang interview sa kanya.

Sa panayam ng Startalk kay Marian sa premiere night ng Desperadas 2, umiwas nang pag-usapan ni Marian kung anuman ang nangyari.

"Tama na yun. Nasabi ko na, tama na yun. 'Tsaka pinapaubaya ko na lang sa Diyos yun. Basta ako, nasabi ko na lahat. Okay na ako dun, tama na yun," sabi ng aktres.

Pero inamin niya rin na nakadagdag sa kanyang emosyon ang harap-harapang pagtawag sa kanya ng "plastikada" ng veteran entertainment writer na si Ernie Pecho.

Ani Marian, "Siguro kahit sino namang tao, harap-harapan na nasa presscon ka tapos gaganunin ka, siguro kahit sino namang lumagay sa katayuan ko, mararamdaman din po yun.

"Alam ko kasi sa pagiging suplada ko, sa pagiging maldita ko, nasa lugar naman ako. At aminado naman ako do'n, di ba? Pero yung plastic, never akong naging plastic," mariing sabi ng aktres.

Nagbigay rin ng mensahe si Marian para sa kanyang detractors.

"Siguro ano din, hinihingi ko na lang din na maiwasan. Kasi hindi naman lahat ng tao mapi-please mo talaga, di ba? So, pinapangalagaan ko lang yung mga taong nagmamahal sa akin. At saka mahirap ipaliwanag yung nararamdaman mo, e. Sobrang dami kong kontratang iniingatan kaya nung lumabas yung issue na yun, nasaktan ako. Kasi, madami talaga, e," pahayag ni Marian.

Paano naman siya sinusuportahan ng kanyang kapareha na si Dingdong sa lahat ng ito?

"Kasi nag-uusap naman kami kung ano ang dapat at kung ano ang nangyayari," sabi ni Marian. "Nagsu-sorry naman siya kasi talagang nai-involve ako at siya naman talaga yung nagiging dahilan."


DINGDONG'S REACTION. Speaking of Dingdong, nahingan din ng Startalk ng reaksiyon si Dingdong tungkol sa ikinakabait na "buntis issue" kay Marian.

"Alam niya ‘yon. Sinagot na niya ‘yon," ani Dingdong. "I don't want to get into that anymore. As much as possible, I don't want to get in the middle of everything. Siyempre, sa akin lang, I'm always for the truth and the truth will set you free."

Nagulat ba siya sa paglabas ng pregnancy rumor kay Marian?

"Alam kong posibleng mangyari ‘yon, e," sabi ng aktor. "Pero sa akin naman, e, it's how you handle things. Kung malakas ang paninindigan mo sa sarili mo and naniniwala ka sa tama, hindi ka talaga matitibag."

Ianmin ni Dingdong na hindi niya napanood ang interview ni Karylle sa The Buzz. Pero ganun pa man, nagbigay pa rin ng unsolicited advice ang aktor para kay Marian.

"Sabi ko sa kanya, ‘Siyempre, we're always for the truth at andito ako sa likod mo."

Sinagot din ni Dingdong ang balitang may "affair" sila ni Marian.

"Ang affair kasi natatapos, e. Parang pupunta ka, uuwi ka. Yung sa amin, maganda siya dahil maganda ang sinimulan, and I'm hoping that maganda rin ang pupuntahan. Pero kung anuman meron ngayon, we're still maintaining the status quo we had from the first we began working with each other," pahayag ng third Sexiest Man of the World ng E! Television.

~Erwin Santiago



Anonymous –   – (Monday, December 22, 2008 12:01:00 PM)  

I agree with Marian, she may be palenkera or even bakya pero HINDI siya plastic. Yung tumira kay marian during the press con ay obviously binayaran para gumawa ng gulo. They are really trying to topple her fame down. Nangunguna na diyan si Boy Abunda na nagorchestrate ng Mysterious smile interview with Karylle.

Conspiracy to bring her down talaga. BUT I believe na may affair si DDD at Marian bago pa magbreak with Karylle.

Anonymous –   – (Monday, December 22, 2008 6:24:00 PM)  

HELLO! know you're fact first. Ernie Pecho is the PR man for Universal, ang nagproduce ng ek-ek dance album ni Marian Tipaklong.

ibig sabihin sinisiraan niya yung sarili niyang mga alaga?? hindi lang sila, pati si Lolit, kuya germs at ronnie carasco against sa pagiyak ng oa ni marian tipaklong.

Anonymous –   – (Sunday, January 04, 2009 1:44:00 AM)  

veteran writer?
kahit yaya ko di siya knows eh?
sino ba yan ernie PEKMO na yan, kadiri bastos ang namesung.

Post a Comment

what can you say about this?! :)

ABS-CBN GMA-7 PBB Marian Rivera TV Ratings Movies TV5 Magazines Star Cinema Angel Locsin Videos Music Site News Awards Scandals Dingdong Dantes Piolo Pascual StarStruck MMFF Manny Pacquiao Asianovelas Kris Aquino Beauty Pageant Katrina Halili Sarah Geronimo Survivor Philippines Wowowee KC Concepcion Myx Richard Gutierrez Sam Milby Cristine Reyes Karylle Marky Cielo Anne Curtis Charice Pempengco Judy Ann Santos Sports Gerald Anderson Heart Evangelista John Lloyd Cruz Pinoy Fear Factor FHM GMA Films Hollywood Kim Chui Poll Angelica Panganiban Celebrity Feuds Joey De Leon Jericho Rosales Regine Velasquez Ruffa Gutierrez Viva Films ASAP Bea Alonzo Blind Item Jennylyn Mercado Regal Entertainment Robin Padilla Rufa Mae Quinto SOP Sam Pinto StarTalk The Buzz Willie Revillame Willing Willie Jake Cuenca Luis Manzano Politics Roxanne Guinoo Shaina Magdayao Sharon Cuneta Vice Ganda Aga Muhlach Andi Eigenmann Betty La Fea Celebrity Duets Entertainment Live Eugene Domingo Gretchen Barretto Komiks Presents Kristine Hermosa Mariel Rodriguez Ogie Alcasid Paolo Bediones Phil Younghusband Shalani Soledad Toni Gonzaga Aljur Abrenica Denise Laurel Gabby Concepcion Iza Calzado JM De Guzman Joey Marquez John Lapus Justin Bieber Kris Bernal LJ Reyes Ma. Venus Raj Maalaala Mo Kaya Mr. Fu Nadine Samonte Patrick Garcia Pokwang Sandara Park Selena Gomez Showbiz Central Sid Lucero Solenn Heusaff Star Circle Quest Tayong Dalawa Valerie Concepcion AJ Perez Agot Isidro Ai Ai delas Alas Albert Martinez Albie Casiño Alessandra De Rossi Alex Gonzaga Alfred Vargas Annabelle Rama Audie Gemora Bayani Agbayani Billy Crawford Binibining Pilipinas Boys Over Flowers Britney Spears Buboy Villar Carla Humphries Carlo Aquino Chito Roño Chris Brown Christopher de Leon Claudine Barretto Coco Martin Coney Reyes DJ Durano Danita Paner Derek Ramsay Diana Zubiri Diane Medina Diether Ocampo ETC Eat Bulaga Edgar Allan Guzman Endorsements Erik Matti Erik Santos Eula Valdez Gloria Diaz Hayden Kho JC de Vera Jackie Rice Jason Francisco Jeffrey Tam Jennica Garcia Jennifer Lopez Joey Reyes John Estrada John Prats Julia Montes Kathryn Bernardo Kean Cipriano Lady Gaga Lauren Young Lee Min Ho Lovi Poe Lucky Mercado Luis Alandy Maggie Wilson Mang Enriquez Marco Alcaraz Maria Venus Raj Mariah Carey Mark Bautista Marvin Agustin Matteo Guidicelli Maxene Magalona May Bukas Pa Megan Young Melai Cantiveros Melason Melissa Ricks Michael V Mikael Daez Miko Petito Nonito Donaire Paulo Avelino Princess Ryan Rachelle Ann Go Rainier Castillo Randy Santiago Raymond Isaac Rayver Cruz Rhian Ramos Rich Asuncion Richard Gomez Rodjun Cruz Rufa Mi Ryan Cayabyab Sexbomb Girls Sheena Halili Studio 23 Sugar Mercado Susan Roces TJ Trinidad TV Commercial Technology Vanessa Hudgens Vic Sotto Wanlu Wilma Doesnt Xyriel Manabat Yeng Constantino Zac Efron Zanjoe Marudo

Showbiz Updates



Twitter and Facebook!



Disclaimer:

All images are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted. All visual content is copyright to it's respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be promptly removed.

We are not responsible for content on any external website, and a link to such site does not signify endorsement. Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's proprietors do not make warranty as to the correctness or reliability of the site's content.

This blog is not affiliated in any way with ABS-CBN, GMA-7, TV5, NBN4, QTV, Studio 23, CS9, IBC-13, MYX, ETC, SBN 21 or even Net25, its affiliates and subsidiaries. To know more, please read this blog's Privacy Policy.

  © Blogger template Shush by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP