.

Marian Rivera Answers New Issues Being Thrown Against Her!

2 days before Christmas ay nagbigay ng Christmas party para sa entertainment press ang mga alaga ni Popoy Caritativo na sina Dennis Trillo, Mart Escudero, at Marian Rivera. Ginanap ito kahapon ng tanghali, December 23, sa Barrakz Bar & Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Katulad ng ibang mga artista, ito ang naging paraan ni Marian at ng mga "kapatid" niya kay Popoy para mai-share ang mga blessing na natanggap nila this year sa entertainment press, na pinaniniwalaan ng aktres na nakakatulong din sa kanya kung nasaan man siya ngayon.

Marian Rivera

CHRISTMAS IN CAVITE. Ayon kay Marian, sa Cavite niya ipagdiriwang ang Christmas eve at ang mismong araw ng Kapaskuhan.

"After ng Parade [of the Stars], uuwi ako ng Cavite. Ise-celebrate ko run ang Christmas. Alam ko, by December 26, may trabaho na ako. So, hanggang December 25 lang talaga ako makakapagbakasyon," saad ni Marian sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Dalawang pelikula ni Marian ang kalahok sa 2008 Metro Manila Film Festoval: Desperadas 2 at Shake, Rattle & Roll X.

Sa mismong araw ng Pasko, tulad ng nakagawian na ni Marian, ay hihintaying niya ang pagdating ng kanyang mga inaanak sa kanilang tahanan sa Cavite.

"Siyempre, darating ang mga inaanak ko, papamaskuhan ko sila. Darating din ang mga pinsan ko. Siguro yung mga inaanak ko, singkuwenta na mahigit! Hindi pa kasi ako artista, marami na akong inaanak, e!" natatawang kuwento ni Marian.

NEGATIVE VS. POSITIVE. Hindi naman maikakaila na isa si Marian sa mga artista ngayon na umarangkada nang husto ang career sa taong 2008. Kaya napakarami raw talaga niyang dapat ipagpasalamat.

"Oo naman!" bulalas niya. "Actually, hindi ko na lang talaga iniisip yung mga negative na nangyayari sa akin. Kasi sobrang dami rin namang positive sa akin kesa sa negative. Itong mga negative na ito ay pagsubok lang talaga para sa akin para maging matatag ako. At tanggap ko yun bilang artista. Ito ang package nun, e—intriga, tsismis, lahat, e. So, kung ayaw mo ng intriga, huwag kang mag-artista!"

Paano nga ba niya hinaharap lahat ng mga negatibong intrigang ibinabato sa kanya?

"Importante sa akin, nag-uusap kami ng pamilya ko," sabi ni Marian. "Alam ko na nandiyan sila para sa akin. Yung mga fans ko na talagang sobra-sobra yung pagbibigay nila. ‘Alam ko na nandito kami para sa ‘yo,' lahat sila ganoon. So, sobrang grabe yung suporta nila kaya sabi ko, lalo akong nagiging matatag dahil sa kanila."

THE REAL MARIAN. Alam ni Marian na sa trabahong pinasok niya, hindi maiiwasan na may mga gustong hilahin siya pababa. Pero tanggap na raw niya yun.

"Pabayaan na lang natin," aniya. "Kaya nga palagi kong sinasabi, tanungin n'yo mga nakatrabaho ko kung sino talaga ako. Tanungin n'yo sila Direk Joyce [Bernal], tanungin n'yo lahat ng naging director ko... Sila Nanay Rita [Avila], sila na lang tanungin n'yo.

"Kasi, hangga't hindi mo naman nakikilala ang isang tao, ‘Ay, ganyan-ganyan!' Pero once na nakilala mo na ang isang tao, doon mo na makikilala kung sino talaga siya. Hindi ko mapi-please ang iba kung ganoon ang tingin nila sa akin, kasi hindi pa nila ko nakakatrabaho. Hindi pa nila ako nakaka-bonding."

How does she feel sa mga taong naninira sa kanya, pero hindi pala siya o hindi pala niya kilala at all?

"Siyempre, ayoko namang sabihin na hindi ako nasasaktan. Tao lang din naman ako. Ipinagdarasal ko na lang na sana makaya kong lahat."

"DEMOLITION TEAM." Isang simpleng "huwag naman sana" ang naging tugon ni Marian sa tanong kung naniniwala ba siyang may "demolition team" laban sa kanya.

"Ayoko kasing isipin na ganoon," sabi niya. "Ako kasi, palagi akong pinagsasabihan sa bahay na kapag meron ka man na dapat i-criticize, sarili mo yun. Kung umaarte ka, ano ba ang mali ko? Pero kung ako ang magki-criticize sa ibang tao na mamimintas ako na ganoon-ganyan, never, e.

"Okey lang na ako ang i-criticize n'yo, pero hindi ibig sabihin noon na magpapatalo ko. Parang, ‘eto ako, e. So, mas magandang wala na lang akong gawin. Idaan ko na lang sa dasal. Ang mas pinapahalagahan ko, yung mga taong sobrang sumusuporta sa akin, nagmamahal sa akin."

Very thankful daw siya kung meron man sa mga fans niyang patuloy na ipinaparamdam sa kanya ang suporta nila.

"Nakakatuwa kasi lalong lumalaki yung mga fans club ko na hindi ko ine-expect na ganoon kalaki. So, thankful ako doon at mas maganda na ang mga nangyayari sa akin, positive. Kesa isipin ko na negative na nangyayari sa buhay ko, e, normal lang naman yun."

Sa taong ito, ano ang masasabi niyang pinakagrabeng intriga na ibinato sa kanya?

"Yung mga nangyayari ngayon, kasi parang alam mo yun, ang hirap iano, e... Kasi, bakit daw ako umiyak? Bakit daw ako ganito? Kasi, ang daming aspeto kung bakit. Kasi, tingnan n'yo ha, ang dami kong kontratang [endorsements] inaalagaan, na kung malaman nila kung anuman ang mga tsismis na yun, naaapektuhan ang contract ko," paliwanag niya.

Dagdag niya, "At least, tumatawag sila at naaayos din namin. At naniniwala sila at susuportahan pa rin nila ako. Walang pagbabago. Siyempre, nasa-sad sila kung bakit kailangan akong ganituhin. Pero ang importante, lahat sila nag-renew. Lahat sila kumampi sa akin at masaya ako na lahat sila nagtitiwala sa akin."

24 ENDORSEMENTS & COUNTING. Nakumpirma ng PEP sa mismong manager ni Marian na si Popoy na umabot na pala sa 24 ang endorsements ni Marian.

Ang pinaka-latest endorsement nga ni Marian ay ang . Recently, may intriga na namang lumabas tungkol kaugnay ng appearance niya sa Davao para sa Phoenix Petroleum.

Ayon kay Marian, "May nilabas nga raw na something sa akin about sa Davao. Yung mismong may-ari ang nag-text sa akin. Sabi niya, ‘Huwag kang mag-alala. Maglalabas kami agad ng statement na ni isa sa lahat ng sinabing paninira sa ‘yo, walang totoo.'"

Tila lahat ng galaw at kilos niya, may mga nag-aabang para gumawa ng intriga against her.

"Kaya nga, e!" natatatawang sabi ni Marian. "Basta, importante lang diyan, masaya ako ngayong Christmas."

MAGAZINE EDITOR. Nilinaw rin ni Marian ang lumabas sa isang tabloid na may editor daw ng isang magazine na nag-pictorial/interview sa kanya sa kanyang bahay. Bukod sa naghintay raw ang editor dahil tulog pa si Marian, ayon sa maid, nakasulat din doon na pinagsabihan daw niya nang hindi maganda ang magazine editor.

Hindi pa namin natatapos ang tungkol sa write-up at sinasabing ginawa raw niya ay pinatigil na kami ni Marian sa pagtatanong at puwede na raw niyang sagutin at linawin ang isyu.

Aniya, "In the first place, never akong nagpapunta ng reporter sa bahay. Kung nagpapapunta man ako, kay Popoy ako pupunta. Pangalawa, wala akong maid sa bahay dahil ayoko ng may maid sa bahay. Gusto ko, ako ang gumagawa sa bahay. Never akong nag-stay-in maid, never.

"Yun lang ang masasabi ko, never akong nagpapapunta ng reporter sa bahay at wala akong maid. Ang maid ko, may sariling bahay. Inupa ko ng sariling bahay. Pero ‘eto ang condo ko, nasa tabi lang yung bahay niya. Never talaga akong nag-maid, ako ang gumagawa basta sa bahay. Unless yung, ‘Punta ka rito, Ate, paglabhan mo ko or may ipapagawa ako.'"

Patuloy niya, "At saka yung maid, kung kailan niya gustong mag-day off, day-off siya. Kung hindi siya makakasama, okay. Daig pa nga niya ako! So, doon pa lang, hindi na totoo kasi never talaga akong nagpa-interview sa bahay.

"Di ba, doon pa lang mali na? Kaya sabi ko, huwag mo nang tapusin talaga. Kahit itanong mo pa sila Popoy, wala akong maid sa bahay. Palagi niyang sinasabi, ‘Yan-Yan, bakit ba hindi ka pa mag-maid?' Sabi ko, ‘Momsie, ayoko.' Kahit papaano, gusto ko pa rin yung parang ordinaryong tao pa rin ako na ako pa rin ang naghuhugas ng pinggan pagkakain ko," pahayag ni Marian.

~Rose Garcia



Anonymous –   – (Friday, December 26, 2008 8:24:00 AM)  

kelna kaya magpapakumbaba 'tong gagang 'to! gosh be humble naman... di ka forever sikat! remember sandara park? sabay sabay tv shows niya nun, may box office movie with hero angeles. model din ng maxipeel at maraming pa siyang endorsements.

pero nung wala na, wala na!

Anonymous –   – (Friday, August 21, 2009 10:08:00 PM)  

i agree....my pagka plastic talaga si marian para nag babait baitan lang like katrina halili.......

SG  – (Saturday, December 26, 2009 11:20:00 AM)  

inggit ka lang anonymous...maging masaya ka na lang para sa kapwa mo...hayaan mo na lang si marian sa mga success niya...bakit pinapakain mo ba siya para i-judge mo siya...isa lang siya sa mga nangarap sumikat at nang sikat na siya...ikaw naman ang isa sa mga gustong pabagsakin siya dahil sa either naiinggit ka o may kinakampihan kang iba...

Post a Comment

what can you say about this?! :)

ABS-CBN GMA-7 PBB Marian Rivera TV Ratings Movies TV5 Magazines Star Cinema Angel Locsin Videos Music Site News Awards Scandals Dingdong Dantes Piolo Pascual StarStruck MMFF Manny Pacquiao Asianovelas Kris Aquino Beauty Pageant Katrina Halili Sarah Geronimo Survivor Philippines Wowowee KC Concepcion Myx Richard Gutierrez Sam Milby Cristine Reyes Karylle Marky Cielo Anne Curtis Charice Pempengco Judy Ann Santos Sports Gerald Anderson Heart Evangelista John Lloyd Cruz Pinoy Fear Factor FHM GMA Films Hollywood Kim Chui Poll Angelica Panganiban Celebrity Feuds Joey De Leon Jericho Rosales Regine Velasquez Ruffa Gutierrez Viva Films ASAP Bea Alonzo Blind Item Jennylyn Mercado Regal Entertainment Robin Padilla Rufa Mae Quinto SOP Sam Pinto StarTalk The Buzz Willie Revillame Willing Willie Jake Cuenca Luis Manzano Politics Roxanne Guinoo Shaina Magdayao Sharon Cuneta Vice Ganda Aga Muhlach Andi Eigenmann Betty La Fea Celebrity Duets Entertainment Live Eugene Domingo Gretchen Barretto Komiks Presents Kristine Hermosa Mariel Rodriguez Ogie Alcasid Paolo Bediones Phil Younghusband Shalani Soledad Toni Gonzaga Aljur Abrenica Denise Laurel Gabby Concepcion Iza Calzado JM De Guzman Joey Marquez John Lapus Justin Bieber Kris Bernal LJ Reyes Ma. Venus Raj Maalaala Mo Kaya Mr. Fu Nadine Samonte Patrick Garcia Pokwang Sandara Park Selena Gomez Showbiz Central Sid Lucero Solenn Heusaff Star Circle Quest Tayong Dalawa Valerie Concepcion AJ Perez Agot Isidro Ai Ai delas Alas Albert Martinez Albie Casiño Alessandra De Rossi Alex Gonzaga Alfred Vargas Annabelle Rama Audie Gemora Bayani Agbayani Billy Crawford Binibining Pilipinas Boys Over Flowers Britney Spears Buboy Villar Carla Humphries Carlo Aquino Chito Roño Chris Brown Christopher de Leon Claudine Barretto Coco Martin Coney Reyes DJ Durano Danita Paner Derek Ramsay Diana Zubiri Diane Medina Diether Ocampo ETC Eat Bulaga Edgar Allan Guzman Endorsements Erik Matti Erik Santos Eula Valdez Gloria Diaz Hayden Kho JC de Vera Jackie Rice Jason Francisco Jeffrey Tam Jennica Garcia Jennifer Lopez Joey Reyes John Estrada John Prats Julia Montes Kathryn Bernardo Kean Cipriano Lady Gaga Lauren Young Lee Min Ho Lovi Poe Lucky Mercado Luis Alandy Maggie Wilson Mang Enriquez Marco Alcaraz Maria Venus Raj Mariah Carey Mark Bautista Marvin Agustin Matteo Guidicelli Maxene Magalona May Bukas Pa Megan Young Melai Cantiveros Melason Melissa Ricks Michael V Mikael Daez Miko Petito Nonito Donaire Paulo Avelino Princess Ryan Rachelle Ann Go Rainier Castillo Randy Santiago Raymond Isaac Rayver Cruz Rhian Ramos Rich Asuncion Richard Gomez Rodjun Cruz Rufa Mi Ryan Cayabyab Sexbomb Girls Sheena Halili Studio 23 Sugar Mercado Susan Roces TJ Trinidad TV Commercial Technology Vanessa Hudgens Vic Sotto Wanlu Wilma Doesnt Xyriel Manabat Yeng Constantino Zac Efron Zanjoe Marudo

Showbiz Updates



Twitter and Facebook!



Disclaimer:

All images are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted. All visual content is copyright to it's respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be promptly removed.

We are not responsible for content on any external website, and a link to such site does not signify endorsement. Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's proprietors do not make warranty as to the correctness or reliability of the site's content.

This blog is not affiliated in any way with ABS-CBN, GMA-7, TV5, NBN4, QTV, Studio 23, CS9, IBC-13, MYX, ETC, SBN 21 or even Net25, its affiliates and subsidiaries. To know more, please read this blog's Privacy Policy.

  © Blogger template Shush by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP