.

Marian Rivera's Manager Defends His Ward Against "Buntis Issue"

Marian Rivera's Manager Defends His Ward Against 'Buntis Issue'

Sinimulan at tinapos ni Marian Rivera ang presscon ng Desperadas 2 kaninang tanghali, December 15, sa paghingi ng "sorry."

Una siyang nag-sorry sa press at sa kanyang co-stars dahil sa late niyang pagdating. Inulit ni Marian ang kanyang pagso-sorry sa mga kasama sa pelikula dahil sa kanya na-focus ang attention ng press nang siya'y umiyak pagkatapos itanggi na siya'y buntis at mag-react sa ngiti ni Karylle nang tanungin sa balitang buntis si Marian sa The Buzz.

Hindi na na-interview nang husto si Marian sa partisipasyon niya sa movie dahil late nga siyang dumating. Ang naikuwento lang ay ang pagbabago ng character na kanyang ginagampanan, si Courtney. Okey rin daw sa kanya kung natalbugan sila ni Ogie Alcasid—na gumaganap bilang long-lost sister nilang apat nina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, at Iza Calzado—na napakagaling sa pelikula.

Bago magpunta sa presscon ng Desperadas ay nanggaling pa si Marian sa Medical City para ipa-check-up ang kanang paa at magandang balita pa naman ang dala nito. Nalaman ng PEP mula sa manager niyang si Popoy Caritativo na sa Miyerkules, December 17, na aalisin ang cast sa kanyang kanang paa. Pero bawal pa rin daw siyang magsuot ng heels.

Ayon pa kay Popoy, disappointed ang alaga dahil mahilig itong magsuot ng stiletto shoes. Pero no choice si Marian kundi sundin ang utos ng doktor na puro flat shoes ang isuot niya sa loob ng isang buwan para tuluyan siyang gumaling.

CRYING MARIAN. Kinuha rin ng PEP ang reaction ni Popoy sa pag-iyak ni Marian sa presscon ng Desperadas 2. That time ay hindi pa raw nakakauwi si Marian at tumawag lang kay Popoy na umiiyak.

"Kanina pa nga siya umiiyak," sabi ni Popoy. "Basta ang bilin ko lang sa kanya, huwag mang-aaway at hindi naman talaga siya nang-away. Hindi naman siya nagalit kay Karylle, nasaktan lang kung bakit ganun ang reaction niya nang tanungin sa buntis issue."

Sa tanong kasi ni Boy Abunda kay Karylle sa The Buzz kahapon, December 14, kung buntis nga ba si Marian ay ngiti lamang ang isinagot ng ex-girlfriend ni Karylle.

Kuwento ni Popoy, nasa Davao si Marian kahapon para sa launching ng ini-endorse na Phoenix Gasoline. Noon lang din daw nalaman ni Marian na natsitsismis siyang buntis. Masaya raw ang aktres na humarap sa tao at sumayaw kahit pipilay-pilay at nagulat na lang nang tanungin kung totoong buntis siya.

"Nagtanong siya kung ano ang nangyayari at bakit natsitsismis siyang buntis," sabi ni Popoy. "Hindi ko rin alam kung saan galing ang isyu, pero gaya ng sinabi niya, hindi totoo ang tsismis. Hindi naman siya apektado dahil hindi totoo, nagulat lang.

"Naawa nga ako kay Marian dahil kung makikita lang kung gaano siya kasipag sa kanyang trabaho, hindi siya pag-iisipan ng kung anu-ano. Hindi siya nagrereklamo at hindi umiiyak kahit nasasaktan. The only time nakita siyang umiyak ay nung maaksidente siya, pero tuloy pa rin ang trabaho niya," pagtatanggol ng talent manager sa kanyang alaga.

Ikinuwento rin ni Popoy na noong nasa Los Angeles, California si Marian para sa Let's Celebrate concert nila ni Dingdong, hindi napigilan ng aktres na hindi sumayaw dahil nakitang hinihintay ng fans na makita siyang sumasayaw.

MARIAN'S CO-STARS REACT. Nalungkot naman si Iza Calzado sa kinalabasan ng pressscon at sa pag-iyak ni Marian. Masaya kasi ang simula ng presscon, kung saan nagtutuksuhan pa sila at nagtatawanan dahil sa pagpapatawa ni Ogie Alcasid. Nabago lang ang mood ng presscon sa pag-iyak ni Marian.

Na-buildup lang ang emotion ni Marian dahil bago siya tanungin sa buntis issue, hinarap siya ng isang veteran reporter at sinabihang "plastikada" at "tupperware." Personal ang galit ng naturang veteran reporter kay Marian dahil diumano sa pang-iisnab ng aktres sa kanyang kaibigang UP professor nang lumapit ito para magpapirma.

Nakita namin ang pagkagulat ni Marian sa sinabi ng reporter. Narinig din yun nina Christian Vasquez at Rufa Mae Quinto na katabi ni Marian, pero walang makapag-react dahil ongoing pa nga ang presscon.

Si Ruffa Gutierrez ay ayaw namang mag-comment kung offending ba ang smile ni Karylle. Hindi raw kasi niya napanood ang interview ng co-host niya sa The Buzz na si Boy Abunda.

"I have to review the tape bago ako mag-comment kung tama ang ngiti niya o hindi," sabi ni Ruffa. "Iba-iba ang interpretation natin sa ngiti. Pero dahil hindi ko napanood, hindi talaga ako makapag-comment."

Tama ba sa palagay niya ang naging reaction ni Marian sa smile ni Karylle?

"It just so happen it's Karylle being interviewed, pero hindi kasalanan ng The Buzz yun," depensa agad ni Ruffa. "Naawa ako kay Marian, nakita ko the way she expresses herself, straight from the heart talaga. Dahil sa nangyari, parang gusto ko yatang host na lang ako ng lifestyle show o cooking show, walang intriga!"

Paano kung sa kanya nangyari ang nangyari kay Marian?

"Hindi ako iiyak dahil palaban ako," sagot niya.

May nagpaalala kay Ruffa na ipinagtanggol niya si Rufa Mae Quinto sa unang presscon ng Desperadas 2 nang tanungin ito kung kailan siya huling nakakita ng "Rambo" ng lalake.

"Naawa ako kay Rufa Mae. Every human being deserves respect and the way the question was asked was so gross. Parang eeew!" reaksiyon ni Ruffa.

Hindi rin daw naramdaman ni Ruffa na natabunan sila sa pag-iyak ni Marian dahil sa kanya na-focus ang attention ng press.

"Sobra naman! Pati pag-iyak, may isyu? Umiyak din kaya ako!" sabi ni Ruffa.



Anonymous –   – (Tuesday, December 16, 2008 1:17:00 AM)  

amfanget aman ni marian jan sa picture, hoy pep gma-7 pa naman kayo, ayusin nio yan

Anonymous –   – (Wednesday, December 17, 2008 10:30:00 AM)  

anu ba yan..late??pa importante..very unprofessional...
hindi nya n nga binigyan ng khihiyan si karylle eh..as usual,
khit ako nman lilipat din ng
station kung ganun.prang pinapakita p tlaga n wlang kwentang gf c karylle...
kya tma lng ung cnbi ni karylle...
isipin nyo nlang.no choice n c karylle..alangan nmang sbihin nyang hindi yn buntis..eh hindi nga nman cla gnun k close...kaya kung nsaktan man c marian..well
gantihan lng po yan mare...icpin mo nlang ung pain n binigay mo s kanya b4 this...

Anonymous –   – (Wednesday, December 17, 2008 9:11:00 PM)  

eh panget nanam talaga yan si tandang marian eh, thank you photoshop ang beauty niya. tignan nio pep na yan ha galing gma yang pic kadiri iw

Anonymous –   – (Thursday, December 18, 2008 8:26:00 AM)  

LEAVE..MARIAN...ALONE!!!
LEAVE..MARIAN...ALONE!!!
LEAVE..MARIAN...ALONE!!!
LEAVE..MARIAN...ALONE!!!
LEAVE..MARIAN...ALONE!!!
LEAVE..MARIAN...ALONE!!!
LEAVE..MARIAN...ALONE!!!
LEAVE..MARIAN...ALONE!!!
LEAVE..MARIAN...ALONE!!!
LEAVE..MARIAN...ALONE!!!
LEAVE..MARIAN...ALONE!!!
LEAVE..MARIAN...ALONE!!!

mr jeremy  – (Thursday, August 20, 2009 6:09:00 PM)  

judge your self before u judge the people

Post a Comment

what can you say about this?! :)

ABS-CBN GMA-7 PBB Marian Rivera TV Ratings Movies TV5 Magazines Star Cinema Angel Locsin Videos Music Site News Awards Scandals Dingdong Dantes Piolo Pascual StarStruck MMFF Manny Pacquiao Asianovelas Kris Aquino Beauty Pageant Katrina Halili Sarah Geronimo Survivor Philippines Wowowee KC Concepcion Myx Richard Gutierrez Sam Milby Cristine Reyes Karylle Marky Cielo Anne Curtis Charice Pempengco Judy Ann Santos Sports Gerald Anderson Heart Evangelista John Lloyd Cruz Pinoy Fear Factor FHM GMA Films Hollywood Kim Chui Poll Angelica Panganiban Celebrity Feuds Joey De Leon Jericho Rosales Regine Velasquez Ruffa Gutierrez Viva Films ASAP Bea Alonzo Blind Item Jennylyn Mercado Regal Entertainment Robin Padilla Rufa Mae Quinto SOP Sam Pinto StarTalk The Buzz Willie Revillame Willing Willie Jake Cuenca Luis Manzano Politics Roxanne Guinoo Shaina Magdayao Sharon Cuneta Vice Ganda Aga Muhlach Andi Eigenmann Betty La Fea Celebrity Duets Entertainment Live Eugene Domingo Gretchen Barretto Komiks Presents Kristine Hermosa Mariel Rodriguez Ogie Alcasid Paolo Bediones Phil Younghusband Shalani Soledad Toni Gonzaga Aljur Abrenica Denise Laurel Gabby Concepcion Iza Calzado JM De Guzman Joey Marquez John Lapus Justin Bieber Kris Bernal LJ Reyes Ma. Venus Raj Maalaala Mo Kaya Mr. Fu Nadine Samonte Patrick Garcia Pokwang Sandara Park Selena Gomez Showbiz Central Sid Lucero Solenn Heusaff Star Circle Quest Tayong Dalawa Valerie Concepcion AJ Perez Agot Isidro Ai Ai delas Alas Albert Martinez Albie Casiño Alessandra De Rossi Alex Gonzaga Alfred Vargas Annabelle Rama Audie Gemora Bayani Agbayani Billy Crawford Binibining Pilipinas Boys Over Flowers Britney Spears Buboy Villar Carla Humphries Carlo Aquino Chito Roño Chris Brown Christopher de Leon Claudine Barretto Coco Martin Coney Reyes DJ Durano Danita Paner Derek Ramsay Diana Zubiri Diane Medina Diether Ocampo ETC Eat Bulaga Edgar Allan Guzman Endorsements Erik Matti Erik Santos Eula Valdez Gloria Diaz Hayden Kho JC de Vera Jackie Rice Jason Francisco Jeffrey Tam Jennica Garcia Jennifer Lopez Joey Reyes John Estrada John Prats Julia Montes Kathryn Bernardo Kean Cipriano Lady Gaga Lauren Young Lee Min Ho Lovi Poe Lucky Mercado Luis Alandy Maggie Wilson Mang Enriquez Marco Alcaraz Maria Venus Raj Mariah Carey Mark Bautista Marvin Agustin Matteo Guidicelli Maxene Magalona May Bukas Pa Megan Young Melai Cantiveros Melason Melissa Ricks Michael V Mikael Daez Miko Petito Nonito Donaire Paulo Avelino Princess Ryan Rachelle Ann Go Rainier Castillo Randy Santiago Raymond Isaac Rayver Cruz Rhian Ramos Rich Asuncion Richard Gomez Rodjun Cruz Rufa Mi Ryan Cayabyab Sexbomb Girls Sheena Halili Studio 23 Sugar Mercado Susan Roces TJ Trinidad TV Commercial Technology Vanessa Hudgens Vic Sotto Wanlu Wilma Doesnt Xyriel Manabat Yeng Constantino Zac Efron Zanjoe Marudo

Showbiz Updates



Twitter and Facebook!



Disclaimer:

All images are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted. All visual content is copyright to it's respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be promptly removed.

We are not responsible for content on any external website, and a link to such site does not signify endorsement. Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's proprietors do not make warranty as to the correctness or reliability of the site's content.

This blog is not affiliated in any way with ABS-CBN, GMA-7, TV5, NBN4, QTV, Studio 23, CS9, IBC-13, MYX, ETC, SBN 21 or even Net25, its affiliates and subsidiaries. To know more, please read this blog's Privacy Policy.

  © Blogger template Shush by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP