.

Mrs. Mildred Cadaweng Wants Closure On Marky Cielo's Death

Mrs. Mildred Cadaweng Wants Closure On  Marky Cielo's Death

Tatlong araw pagkatapos maihatid sa kanyang huling hantungan ang yumaong aktor na si Marky Cielo, muling binalikan ng Startalk ang Bauko, Mountain Province upang makausap muli ang mga magulang niya na sina Mrs. Mildred Cadaweng at Mr. Bobby Cielo.

Ayon kay Mommy Mildred, sisikapin nilang maging bukas sa publiko ang libingan ni Marky sa isang bahagi ng bakuran ng kanilang bahay.

"Pinagkakaisahan pa ‘yan kasi ako naman, gusto ko naman parang isang area na you can communicate with him [Marky], for prayer, isang private place. Pero tingnan namin paano na private siya, pero at the same time, may access din yung fans," saad ng ina ni Marky.

REALITY BITES. Dahil dalawang linggo pa lang naman ang nakalilipas mula nang pumanaw si Marky, hindi pa handa si Mommy Mildred na balikan ang mga bagay na makapagpapaalala sa kanya na wala na ang kanyang anak.

"Hindi ko lang alam kung umuwi na kami dun sa Antipolo, kung saan araw-araw kami magkakasama. Mas marami kaming maaalala sa kanya doon. Pero sa ngayon, so far, nakakalungkot na. Mararamdaman ko na yung... Ayokong manood ng TV, although pinipili ko lang, yung La Lola, at least nakikita ko siya, sa Bleach..."

Napapanood pa rin hanggang ngayon si Marky sa La Lola dahil nakapag-advanced taping pa siya bago siya namatay. Maririnig din ang boses ni Marky bilang Ichigo Kurosaki sa anime series na Bleach.

Pero alam ni Mommy Midlred na darating ang araw na kailangan niyang harapin ang lahat ng ito.

"Sabi ko nga sa mga kasama ko sa bahay na huwag nilang galawin yung...ako lang mag-aayos. Gusto ko lang munang i-celebrate yung Christmas with him dito... Pagdating ko dun, ayusin ko na," aniya.

Ayon kay Mommy Mildred, gusto niyang magparamdam ang kanyang anak sa pamamagitan ng mga taong nakakasalamuha niya.

Kuwento niya, "May natanggap akong sulat na iniyakan ko din dahil... Hindi man niya yun friend o kilala, pero siyang-siya yung tono ng pagsasalita. Hindi ko alam kung instrumento sila, pero sa akin, directly parang humihingi siya ng sorry kasi mami-miss niya yung sabi namin na walang iwanan, nakalimutan niya.

"Gusto kong magpakita siya o mag-ano siya na, ‘Okay na ako.' Parang okay na rin ako. Parang ganun. Kaya nga sabi ko, ‘Sana kung magparamdam ka man o meron kang sasabihin, huwag mo akong i-puzzle. Gusto ko na diretso mo nang sabihin sa akin kung ano yung...meron akong pagkukulang para maka-say sorry ako.' Yung mga ganun. Gusto ko ng closure."


CONTROVERSY IN TIMES OF GRIEF. Sa gitna ng pagdadalamhati ng mga magulang ni Marky ay nagkaroon ng kontrobersiya nang ilabas ang mukha ng batang aktor na nasa loob ng kabaong sa isang news program ng ABS-CBN. Ito ay sa kabila diumano ng pakiusap ni Mommy Mildred na huwag ipakita ang mukha ng anak na nasa loob ng kabaong.

Sa isang official statement na inilabas ng ABS-CBN, humingi sila ng paumanhin sa pamilya ni Marky, partikular kay Mommy Cadaweng, dahil sa mga isyung naglabasan. (Click here to read related article.)

"In-express ko yung aking hinanakit sa hindi pagrespeto sa aking hiling," sabi ni Mommy Mildred. "Kung humihingi sila ng paumanhin, sinsero nilang hinihingi yung paumanhin, kami naman, lalo na yung anak ko, hindi naman talaga ‘yan nagtatanim ng galit. Taos-puso ko rin na tinatanggap."

Habang nagsasalita si Mommy Midlred ay ipinakita ng Startalk ang footage, kung saan pinipigilan ng dalawang tao ang ina ni Marky habang kinukumpronta nito ang isang tao.

Ayon sa isang taga-GMA-7 na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), ito ang insidente na kinumpronta ni Mommy Mildred ang isang crew ng ABS-CBN pagkatapos niyang malaman na ipinakita sa TV ang mukha ng kanyang anak na nasa kabaong. Sa tindi ng kanyang sama ng loob ay napagbuhatan din daw ng kamay ng ina ni Marky ang naturang crew ng Kapamilya network.

"Totoo, nag-ano talaga ako do'n sa ilang beses na paghihingi ng dispensa bakit ayaw sana naming makunan siya [Marky] sa mukha. At narinig ko na lang na na-expose pa, hindi lang nakunan, na-expose pa, ano talaga ako doon... Masakit talaga yung loob ko doon na ba't hindi yun inintindi, hindi nila inirespeto," saad ni Mommy Mildred.

Ayon naman kay Mr. Bobby Cielo, "Sa ngayon, bigyan n'yo kami ng sariling katahimikan. Hindi lang siguro sa amin kundi lalo na kay Marky na nasa process pa na magtatawid sa kabilang buhay. So, sana maintindihan n'yo yung point ko na, respetuhin n'yo ang aming dalamhati."

MARKY AS AN INSPIRATION. Sa kabila ng nangyari kay Marky, hindi nagsisisi si Mommy Mildred na pumasok sa showbiz si Marky.

"Hindi ko rin ma-ano na magsisi na naging artista siya," aniya. "Kasi kung naisip man niya o hindi, pero marami siyang ginawa, marami siyang nagawa. Na sinabi ko sa kanya na, ‘Siguro misyon mo ‘yan. Kasi gusto mo lang sumayaw. Gusto mo lang mag-perform sa stage. Pero more than that yung nagawa mo.'"

Naging instrumento rin daw si Marky upang makilala pa ng mga tao ang lahing Igorot.

"Panay ang discrimination sa ka-Igorotan, na at the same time yun ding gumagawa ng inferiority sa level din ng mga ka-Igorotan pag nag-i-interact sila sa mga lowlanders. So, siguro yung pag-angat, pagtataas-noo sa aming mga kababayan, na ang isang Cordilleran, ng isang Igorot, ay respetado rin, bigyan ng tsansa na magpakita ng kanyang galing. Yun ang malaking tingin ko na naiwan niya [Marky] na sana i-pick up din ng aming mga kababayan, lalo ng mga kabataan, sa kanilang pagpupursige," pahayag ni Mommy Mildred.

CHRISTMAS WITHOUT MARKY. Hindi naman napigilang maiyak ni Mommy Mildred nang mapag-usapan ang tungkol sa nalalapit na Kapaskuhan. Ito ang isang bahagi ng kanilang buhay na hindi kayang punuan ng alaala, lalo na para sa isang nagdadalamhating ina.

"Open book naman ‘yan na dito siya nag-aral, yung kapatid niya nasa ibang town. Ako naman nasa Mindanao or saan ako na-assign. Pero sa Christmas, kahit hindi bonggang-bongga ang celebration, magkakasama kami. ‘Yan yung mahalaga. Kahit mga simpleng gifts o wala, magkakasama kami sa Christmas. Ngayon, hindi namin siya kasama. Hindi namin siya makikita. Yung isang Christmas, siya yung Santa Claus namin kasi siya yung kuya. Ngayon, hindi ko alam..." naiiyak na sabi ni Mommy Mildred.

Sa huli ay nagpasalamat si Mommy Mildred sa lahat ng mga taong umunawa at nagmalasakit sa pagkamatay ni Marky.

"Pakiramdam ko ngayon, mas dumami yung anak ko, mas lumaki yung pamilya ko. Dumami yung minahal niya na nagmamahal sa amin. Meron akong natanggap na condolences, marami rin akong natanggap na congratulation. Pakiramdam ko, mas victorious ako. Marami akong naha-harvest na bunga ng kanyang kabutihan. Ganun din sa Panginoon," saad ni Mommy Mildred.

~Erwin Santiago



Anonymous –   – (Thursday, January 15, 2009 6:09:00 PM)  

;)Is it because he had a bangungot ?? Uhm... Show me a picture of Mildred Cielo please !!!

Post a Comment

what can you say about this?! :)

ABS-CBN GMA-7 PBB Marian Rivera TV Ratings Movies TV5 Magazines Star Cinema Angel Locsin Videos Music Site News Awards Scandals Dingdong Dantes Piolo Pascual StarStruck MMFF Manny Pacquiao Asianovelas Kris Aquino Beauty Pageant Katrina Halili Sarah Geronimo Survivor Philippines Wowowee KC Concepcion Myx Richard Gutierrez Sam Milby Cristine Reyes Karylle Marky Cielo Anne Curtis Charice Pempengco Judy Ann Santos Sports Gerald Anderson Heart Evangelista John Lloyd Cruz Pinoy Fear Factor FHM GMA Films Hollywood Kim Chui Poll Angelica Panganiban Celebrity Feuds Joey De Leon Jericho Rosales Regine Velasquez Ruffa Gutierrez Viva Films ASAP Bea Alonzo Blind Item Jennylyn Mercado Regal Entertainment Robin Padilla Rufa Mae Quinto SOP Sam Pinto StarTalk The Buzz Willie Revillame Willing Willie Jake Cuenca Luis Manzano Politics Roxanne Guinoo Shaina Magdayao Sharon Cuneta Vice Ganda Aga Muhlach Andi Eigenmann Betty La Fea Celebrity Duets Entertainment Live Eugene Domingo Gretchen Barretto Komiks Presents Kristine Hermosa Mariel Rodriguez Ogie Alcasid Paolo Bediones Phil Younghusband Shalani Soledad Toni Gonzaga Aljur Abrenica Denise Laurel Gabby Concepcion Iza Calzado JM De Guzman Joey Marquez John Lapus Justin Bieber Kris Bernal LJ Reyes Ma. Venus Raj Maalaala Mo Kaya Mr. Fu Nadine Samonte Patrick Garcia Pokwang Sandara Park Selena Gomez Showbiz Central Sid Lucero Solenn Heusaff Star Circle Quest Tayong Dalawa Valerie Concepcion AJ Perez Agot Isidro Ai Ai delas Alas Albert Martinez Albie Casiño Alessandra De Rossi Alex Gonzaga Alfred Vargas Annabelle Rama Audie Gemora Bayani Agbayani Billy Crawford Binibining Pilipinas Boys Over Flowers Britney Spears Buboy Villar Carla Humphries Carlo Aquino Chito Roño Chris Brown Christopher de Leon Claudine Barretto Coco Martin Coney Reyes DJ Durano Danita Paner Derek Ramsay Diana Zubiri Diane Medina Diether Ocampo ETC Eat Bulaga Edgar Allan Guzman Endorsements Erik Matti Erik Santos Eula Valdez Gloria Diaz Hayden Kho JC de Vera Jackie Rice Jason Francisco Jeffrey Tam Jennica Garcia Jennifer Lopez Joey Reyes John Estrada John Prats Julia Montes Kathryn Bernardo Kean Cipriano Lady Gaga Lauren Young Lee Min Ho Lovi Poe Lucky Mercado Luis Alandy Maggie Wilson Mang Enriquez Marco Alcaraz Maria Venus Raj Mariah Carey Mark Bautista Marvin Agustin Matteo Guidicelli Maxene Magalona May Bukas Pa Megan Young Melai Cantiveros Melason Melissa Ricks Michael V Mikael Daez Miko Petito Nonito Donaire Paulo Avelino Princess Ryan Rachelle Ann Go Rainier Castillo Randy Santiago Raymond Isaac Rayver Cruz Rhian Ramos Rich Asuncion Richard Gomez Rodjun Cruz Rufa Mi Ryan Cayabyab Sexbomb Girls Sheena Halili Studio 23 Sugar Mercado Susan Roces TJ Trinidad TV Commercial Technology Vanessa Hudgens Vic Sotto Wanlu Wilma Doesnt Xyriel Manabat Yeng Constantino Zac Efron Zanjoe Marudo

Showbiz Updates



Twitter and Facebook!



Disclaimer:

All images are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted. All visual content is copyright to it's respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be promptly removed.

We are not responsible for content on any external website, and a link to such site does not signify endorsement. Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's proprietors do not make warranty as to the correctness or reliability of the site's content.

This blog is not affiliated in any way with ABS-CBN, GMA-7, TV5, NBN4, QTV, Studio 23, CS9, IBC-13, MYX, ETC, SBN 21 or even Net25, its affiliates and subsidiaries. To know more, please read this blog's Privacy Policy.

  © Blogger template Shush by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP