.

Rufa Mae Quinto On Dra. Vicky Belo & Hayden Kho: "Magkakabalikan Din Pala Sila...‘Tapos Dinamay-Damay Pa Nila Ako!"

rufa mae quinto rufa mae

Nagpatuloy ng pag-iyak si Rufa Mae Quinto, even after na matapos na ang Showbiz Central kahapon, December 27. Hindi napigilan na humagulgol pa ni Rufa Mae dahil masamang-masama ang loob niya noong araw na 'yon.

Matagal pang nag-stay si Rufa Mae sa dressing room ng GMA Network Studios dahil sinabihan nga siya na darating daw ang co-host niya sa show na si Mo Twister para magkausap at magkaayos silang dalawa.

Hindi naman nakarating si DJ Mo sa studio dahil naipit ito sa airport dahil kararating lang niya from Hong Kong. Nataon na napasabay siya sa dami ng tao na pumila sa Immigration at sa pagkuha ng mga bagahe niya kaya hindi na ito nakarating sa studio.

Habang naghihintay si Rufa Mae ay naglabas na ito ng sama ng loob niya, hindi lang kay DJ Mo kundi pati na kay Dra. Vicki Belo na nagdamay sa kanyang pangalan bilang isa sa dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Dr. Hayden Kho.

Kinumpirma ni Rufa Mae na nagkabalikan na raw ang dalawa over the weekend kaya mas lalo siyang nainis sa nakarating sa kanyang balitang 'yon.

"Hindi ba, nakakainis sila?" mangiyak-ngiyak na emote ni Rufa Mae sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Magkakabalikan din pala sila, e, bakit pa sila nagpa-press release na hiwalay sila, tapos dinamay-damay pa nila ako?

"Madadaan naman pala ang problema nila sa padrama-drama nung isa, e. Ang masakit lang dito is bakit napasama ako? Super-name-drop pa sila sa name ko. Ano ba ang kinalaman ko sa kanila, di ba? Ni hindi nga ako endorser ng Belo! Hindi kasi nila alam ang sakit na binigay nila sa akin at sa pamilya ko!"

Noong una nga raw ay pa-joke-joke pa si Rufa Mae tungkol sa issue na sangkot siya sa hiwalayan nina Doc Hayden at Dra. Belo. Pero isang buong linggo raw na hindi siya tinantanan ng kung anu-anong balita sa TV, diyaryo, at radyo.

"Imagine, Christmas Eve at mismong araw ng Pasko, umiiyak ako kasi nga pinagdidiinan na talagang sangkot ako! Naapektuhan ang mommy ko, pati na ang lola ko. Yung mga kapatid ko at mga kaibigan ko sa ibang bansa, naaawa sila sa akin kasi nga kilala nila ang pagkatao ko. Hindi ako gano'ng klaseng tao. May pinag-aralan akong tao. Ano ba sa akala nila, madali akong sasakay sa ginagawa nilang ‘yan? Kung gimik din lang ‘yan, hindi ako natutuwa na isinama nila ako!" himutok ni Rufa Mae.

WHERE ART THOU, DJ MO? Tungkol naman kay DJ Mo, may nakapagsabi kay Rufa Mae na si DJ Mo raw ang nagsulsol kay Dra. Belo na kasangkot siya sa pagiging salawahan ni Doc Hayden.

"Actually, may nagsabi lang sa akin na kasama nga si Mo dito sa anumang gimik na ito. Galit na galit ako kasi nga magkasama kami sa iisang show, pero bakit niya ako ilalagay sa alanganin?

"Kaya nga noong dumating ako sa studio kanina, wala akong ayos talaga. Ako na lang nag-makeup sa sarili ko. Kasi nga, ang sama-sama ng loob ko at gusto kong i-confront si Mo talaga. Gusto kong malaman kung ano ba ang totoo. Kung kasama ba siya diyan sa plano na idamay ako or what.

"Ayoko kasing maging plastik na tao. Diretsahan tayo. Hindi yung nakatalikod ako, doon mo ako gagawan ng hindi maganda. Kaya tuloy nakita ang pagiging transparent kong tao sa TV. Ayoko kasing ipakita na masaya ako pero deep down, e, galit na galit. Naging professional lang ako talaga ‘tsaka naisip ko na New Year pa naman. Ayokong simulan ang taon na miserable ako dahil sa isang bagay na hindi naman ako guilty," sunud-sunod na sabi ni Rufa Mae.

Hindi na nakarating si DJ Mo sa studio at nagdesisyon na si Rufa Mae na ayusin na ang kanyang mga gamit at umuwi na. Pero bago siya umalis ay nagpasalamat siya sa staff ng Showbiz Central sa pag-intindi sa sitwasyon niya.

"Siguro nga inilagay ako ng Diyos sa show na ito para kapag may issue ako, live na live kong masasabi, hindi ako nae-edit. Hindi gaya noong isang talk show na nag-interview sa akin tungkol nga diyan sa Belo issue na ‘yan, hindi man lang nila inere nang buo. As in, pinutol nila ang pagtanggol ko sa sarili ko. Kaya iba ang interpretation ng marami.

"Salamat din sa buong staff kasi naintindihan nila ako. Alam naman nila na very emotional ako, lalo na kung sa issue na hindi totoo. 'Tsaka gusto nga nilang magkaayos na kami ni Mo. Pero hindi siya dumating, e, naghintay naman ako. Bahala na ang Diyos sa kanila, basta ako, wala akong ginagawang masama," pagtatapos ni Rufa Mae.

~Ruel J. Mendoza



Anonymous –   – (Tuesday, December 30, 2008 6:40:00 PM)  

I feel sorry for Ruffa Mae. Nagpapapansin lang pala sila Vicky at Hayden tapos pati si Ruffa Mae isinali pa. Dapat murahin sa ere ni Ruffa Mae sila Vicky, Hayden, Lolit Solis and DJ Mo. More especially si Hayden (bakla pala siya eh!), Hayden went on air to say he had a fling with Katrina but didn't say anyhting about Ruffa Mae. Hayden should have said something about Ruffa Mae kasi the latter tried to clear her name with respect to this drama.

Anonymous –   – (Tuesday, December 30, 2008 7:05:00 PM)  

That's what I am saying about Lolit Solis' credebility, because she has nothing! When this story first broke up, Lolit insisted if any of the (alleged) party denies the allegations it will be embarrasing because there are evidence. According to Lolit she has first hand knowledge (of all the facts) due to her closeness to Vicky and Hayden.
Why is Lolit on startlalk anyway? What good qualities if any, she brings to this show? Is GMA really this desperate to counter with THE BUZZ? In my opinion, there's no comparison. Boy Abunda and Kris Aquino are smart people (can not say the same with Ruffa G.). Lot of people may not like Joey but he's a smart guy. In personal presentation, THE BUZZ are always well dressed. Sorry, can't say the same with STARTALK personalities.

landse –   – (Friday, March 05, 2010 10:14:00 AM)  

I want only to comment on Manny Villar, He own the Savannah at Pavia, Iloilo wherein this place was the no. 1 irrigated riceland whene savannah does not exist now thes place was already a sub division where irrigation and creek at side. sometimes we are asking why it is happening irrigated land was automatically converted to subdivision.time will come all irrigable land will be converted to subdivision.

Post a Comment

what can you say about this?! :)

ABS-CBN GMA-7 PBB Marian Rivera TV Ratings Movies TV5 Magazines Star Cinema Angel Locsin Videos Music Site News Awards Scandals Dingdong Dantes Piolo Pascual StarStruck MMFF Manny Pacquiao Asianovelas Kris Aquino Beauty Pageant Katrina Halili Sarah Geronimo Survivor Philippines Wowowee KC Concepcion Myx Richard Gutierrez Sam Milby Cristine Reyes Karylle Marky Cielo Anne Curtis Charice Pempengco Judy Ann Santos Sports Gerald Anderson Heart Evangelista John Lloyd Cruz Pinoy Fear Factor FHM GMA Films Hollywood Kim Chui Poll Angelica Panganiban Celebrity Feuds Joey De Leon Jericho Rosales Regine Velasquez Ruffa Gutierrez Viva Films ASAP Bea Alonzo Blind Item Jennylyn Mercado Regal Entertainment Robin Padilla Rufa Mae Quinto SOP Sam Pinto StarTalk The Buzz Willie Revillame Willing Willie Jake Cuenca Luis Manzano Politics Roxanne Guinoo Shaina Magdayao Sharon Cuneta Vice Ganda Aga Muhlach Andi Eigenmann Betty La Fea Celebrity Duets Entertainment Live Eugene Domingo Gretchen Barretto Komiks Presents Kristine Hermosa Mariel Rodriguez Ogie Alcasid Paolo Bediones Phil Younghusband Shalani Soledad Toni Gonzaga Aljur Abrenica Denise Laurel Gabby Concepcion Iza Calzado JM De Guzman Joey Marquez John Lapus Justin Bieber Kris Bernal LJ Reyes Ma. Venus Raj Maalaala Mo Kaya Mr. Fu Nadine Samonte Patrick Garcia Pokwang Sandara Park Selena Gomez Showbiz Central Sid Lucero Solenn Heusaff Star Circle Quest Tayong Dalawa Valerie Concepcion AJ Perez Agot Isidro Ai Ai delas Alas Albert Martinez Albie Casiño Alessandra De Rossi Alex Gonzaga Alfred Vargas Annabelle Rama Audie Gemora Bayani Agbayani Billy Crawford Binibining Pilipinas Boys Over Flowers Britney Spears Buboy Villar Carla Humphries Carlo Aquino Chito Roño Chris Brown Christopher de Leon Claudine Barretto Coco Martin Coney Reyes DJ Durano Danita Paner Derek Ramsay Diana Zubiri Diane Medina Diether Ocampo ETC Eat Bulaga Edgar Allan Guzman Endorsements Erik Matti Erik Santos Eula Valdez Gloria Diaz Hayden Kho JC de Vera Jackie Rice Jason Francisco Jeffrey Tam Jennica Garcia Jennifer Lopez Joey Reyes John Estrada John Prats Julia Montes Kathryn Bernardo Kean Cipriano Lady Gaga Lauren Young Lee Min Ho Lovi Poe Lucky Mercado Luis Alandy Maggie Wilson Mang Enriquez Marco Alcaraz Maria Venus Raj Mariah Carey Mark Bautista Marvin Agustin Matteo Guidicelli Maxene Magalona May Bukas Pa Megan Young Melai Cantiveros Melason Melissa Ricks Michael V Mikael Daez Miko Petito Nonito Donaire Paulo Avelino Princess Ryan Rachelle Ann Go Rainier Castillo Randy Santiago Raymond Isaac Rayver Cruz Rhian Ramos Rich Asuncion Richard Gomez Rodjun Cruz Rufa Mi Ryan Cayabyab Sexbomb Girls Sheena Halili Studio 23 Sugar Mercado Susan Roces TJ Trinidad TV Commercial Technology Vanessa Hudgens Vic Sotto Wanlu Wilma Doesnt Xyriel Manabat Yeng Constantino Zac Efron Zanjoe Marudo

Showbiz Updates



Twitter and Facebook!



Disclaimer:

All images are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted. All visual content is copyright to it's respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be promptly removed.

We are not responsible for content on any external website, and a link to such site does not signify endorsement. Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's proprietors do not make warranty as to the correctness or reliability of the site's content.

This blog is not affiliated in any way with ABS-CBN, GMA-7, TV5, NBN4, QTV, Studio 23, CS9, IBC-13, MYX, ETC, SBN 21 or even Net25, its affiliates and subsidiaries. To know more, please read this blog's Privacy Policy.

  © Blogger template Shush by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP