.

Amazonang Kikay [Daisy Siete Season 21] - GMA-7

Amazonang Kikay [Daisy Siete Season 21] - GMA-7

Iikot ang istorya ng Tarzariray sa grupo ng mga batang ulila na dadalhin sa Maynila para dahil sa ampunan, pero bumagsak ang eroplanong sinasakyan nila. Kasama sa nakaligtas ang mga batang may edad na 3-7 years old at paglaki nila, sila'y sina Rochelle, Weng Ibarra, Mia Pangyarihan, Mhyca Bautista, Monic Icban, Cynthia Yapchingco at CheChe Tolentino. Kasama nilang nakaligtas si Aleck Bovick na gaganap sa role ni Nana/Olive, ang pinuno ng grupo.

Mababago ang buhay ng mga babaing gubat nang mapadpad sa kinaroroonan ng Amazona ang grupo ng Biology students na naghahanap ng rare na halaman na magpapagaling daw sa sakit na cancer. Ang grupo ng mga estudyante ay kinabibilangan nina Sunshine Garcia, Jopay Paguia, Izzy Trazona, Edgar Allan Guzman, Aifha Medina at Railey Valeroso.

Tinanong ng PEP si Joy kung okay sa kanya bilang producer na palipat-lipat ang time slot ng Daisy Siete? Inilagay ito sa late afternoon slot, pero ngayon, ibinalik sa original niyang time slot.

"Advice ng GMA-7 ang sinusunod namin at sila ang parent network namin. Wala silang sinabi kung bakit ibinalik kami sa 2:30 p.m. slot, negosyo ito at strategy nila ‘yun. Mas marami silang alam kesa sa akin pagdating sa time slot at alam kong para sa ikabubuti ng show lang ang kanilang ginawa," pahayag ni Joy.

JC TIUSECO AS FIRST CHOICE. Si Joy na rin ang tinanong ng PEP kung bakit si John Lopez ang kinuha niyang ipareha kay Rochelle, gayung mas maraming may mga pangalan at pruweba ng actor na puwedeng maka-love team ng dalaga?

"Actually, marami kaming pinagpilian. Si JC Tiuseco, ang 1st Sole Survivor ng Survivor Philippines ang tina-target namin. Pero, nang i-offer namin, ramdam kong hindi type ng kanyang manager ang project at naintindihan ko dahil they have Unang Hirit. Nang ma-feel kong ayaw, naghanap kami ng right leading man for Rochelle."

"Nalaman ni Kuya Lhar [Santiago] na naghahanap kami ng leading man and he suggested John. Sabi ko pa nga, sino siya? Nagpa-email ako ng picture niya at wish ko, magustuhan siya ng girls at happy ako dahil gusto siya ng girls, lalo na ni Rochelle. Happy ako na happy si Rochelle dahil mahirap siyang hanapan ng kaparehe," mahabang pahayag ni Joy.

Nabanggit din ni Joy na na-consider nila si Paolo Contis, pero nagka-problema sa schedule nito't nagti-taping ito ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang at magsisimula na ring mag-taping ng My Dad Is Better Than Your Dad. Hanggang mapunta na nga kay John ang role at ‘di binago ang name niya rito para mabilis siyang makilala.

"Isa pang rason kung bakit hindi namin pinursue si Paolo, nalaman kong girlfriend niya si Lian Paz ng EB Babes, e, Sexbomb Girls ang makakasama ni Paolo dito. Ayaw namin ng tsismis at kailangan nilang maging close ni Rochelle, kaya ‘di na namin itinuloy," sabi ni Joy.

Hindi nagkamali si Joy sa pagpili kay John dahil sa pictorial pa lang, kinakitaan na sila ng chemistry ni Rochelle at very open ang dalaga sa pag-aming crush niya ito. Hindi niya pinipigil ang press na sila'y tuksuhin at natawa ang PEP sa inamin nitong una niyang inalam kay John ay kung may girlfriend ito dahil ayaw niyang makasagasa.

"Nang malaman kong he's single, natuwa ako. Go, go, go," wika ni Rochelle na ‘di sure ang PEP kung seryoso o nagbibiro.

Sa Subic ang taping ni Direk Rowell Icamen sa mga eksena sa gubat at may participation dito ang mga unggoy at paniki na naglipana sa kagubatan ng Subic. Kahit mahirap, excited na ang grupo nina Rochelle sa mga eksenang magbabaging sila, aakyat ng puno at kung anu-ano pang ginagawa sa gubat.

Kasama rin sa Tarzariray sina Karla Estrada, Ramon Christopher, Tariq at Railey Valeroso na ngayon lang uli mapapanood sa GMA-7. Nilinaw nitong wala siyang kontrata sa ABS-CBN, so, puwedeng-puwede siyang bumalik sa Kapuso Network kung muli siyang kukunin.

~Nitz Miralles



Anonymous –   – (Thursday, January 15, 2009 12:01:00 PM)  

matutuwa na naman ang mga kasambahay na kapusa!

Anonymous –   – (Thursday, January 15, 2009 6:21:00 PM)  

:-/Why not Felix Roco instead? Or Dominic Roco? I thought one of them courted Rochelle already? Didn't Rochelle answer him 'YES'? But they're perfect for each other! Next season just try to make one of the twins her love-team again! They suit more you know? I don't think John suits Rochelle a lot...just suggesting:)

Anonymous –   – (Thursday, January 15, 2009 7:44:00 PM)  

daisysiete season 1,021!!!!!!!!!!!!! favorite ng mga katulong.

Anonymous –   – (Friday, January 16, 2009 1:33:00 PM)  

huwag naman katulong uy, kasambahay is more politically correct. :D

Anonymous –   – (Saturday, January 17, 2009 8:06:00 AM)  

what's wrong with katulong? eh yan ngang mga yan ang nagppa-angat ng economny naten eh...
jusko ang mga pinoy mapang-lait..

Anonymous –   – (Thursday, January 29, 2009 7:24:00 PM)  

cno agree na mas bagay cla dominic at rochelle ??

Anonymous –   – (Thursday, January 29, 2009 7:24:00 PM)  

ako!!!!!!!!!!!!!!!

Anonymous –   – (Monday, February 02, 2009 11:30:00 PM)  

totoo namang favorite ng mga katulong/kasambahay ang daisy siete....

saying favorite ng katulong does not signify that we discriminate katulongs..kayo lang nagbibigay ng malice....

favorite din ito ng mga taong who has insufficient education.. bihira sa mga professionals ang nanood nito..why? aside from the content of the show (which is so baduy), clearly this show do not target professionals...

sinadya talaga ng GMA "pangkasambahay" ang daisy siete kasi un ang Target Market nila..sino ba ang nagstastay kapag timeslot na ng daisy siete? di ba mga kasambahay?

Anonymous –   – (Monday, February 02, 2009 11:32:00 PM)  

that is what we call "knowing your target market"

Anonymous –   – (Saturday, February 21, 2009 11:30:00 AM)  

watever! basta kadiri! eeeewwwww.......

Anonymous –   – (Sunday, March 29, 2009 10:45:00 AM)  

i don't think bagay si rochelle at si dom. eww. sexbomb girls ibabagay niyo kila dom at lex. di bagay. :|

Post a Comment

what can you say about this?! :)

ABS-CBN GMA-7 PBB Marian Rivera TV Ratings Movies TV5 Magazines Star Cinema Angel Locsin Videos Music Site News Awards Scandals Dingdong Dantes Piolo Pascual StarStruck MMFF Manny Pacquiao Asianovelas Kris Aquino Beauty Pageant Katrina Halili Sarah Geronimo Survivor Philippines Wowowee KC Concepcion Myx Richard Gutierrez Sam Milby Cristine Reyes Karylle Marky Cielo Anne Curtis Charice Pempengco Judy Ann Santos Sports Gerald Anderson Heart Evangelista John Lloyd Cruz Pinoy Fear Factor FHM GMA Films Hollywood Kim Chui Poll Angelica Panganiban Celebrity Feuds Joey De Leon Jericho Rosales Regine Velasquez Ruffa Gutierrez Viva Films ASAP Bea Alonzo Blind Item Jennylyn Mercado Regal Entertainment Robin Padilla Rufa Mae Quinto SOP Sam Pinto StarTalk The Buzz Willie Revillame Willing Willie Jake Cuenca Luis Manzano Politics Roxanne Guinoo Shaina Magdayao Sharon Cuneta Vice Ganda Aga Muhlach Andi Eigenmann Betty La Fea Celebrity Duets Entertainment Live Eugene Domingo Gretchen Barretto Komiks Presents Kristine Hermosa Mariel Rodriguez Ogie Alcasid Paolo Bediones Phil Younghusband Shalani Soledad Toni Gonzaga Aljur Abrenica Denise Laurel Gabby Concepcion Iza Calzado JM De Guzman Joey Marquez John Lapus Justin Bieber Kris Bernal LJ Reyes Ma. Venus Raj Maalaala Mo Kaya Mr. Fu Nadine Samonte Patrick Garcia Pokwang Sandara Park Selena Gomez Showbiz Central Sid Lucero Solenn Heusaff Star Circle Quest Tayong Dalawa Valerie Concepcion AJ Perez Agot Isidro Ai Ai delas Alas Albert Martinez Albie Casiño Alessandra De Rossi Alex Gonzaga Alfred Vargas Annabelle Rama Audie Gemora Bayani Agbayani Billy Crawford Binibining Pilipinas Boys Over Flowers Britney Spears Buboy Villar Carla Humphries Carlo Aquino Chito Roño Chris Brown Christopher de Leon Claudine Barretto Coco Martin Coney Reyes DJ Durano Danita Paner Derek Ramsay Diana Zubiri Diane Medina Diether Ocampo ETC Eat Bulaga Edgar Allan Guzman Endorsements Erik Matti Erik Santos Eula Valdez Gloria Diaz Hayden Kho JC de Vera Jackie Rice Jason Francisco Jeffrey Tam Jennica Garcia Jennifer Lopez Joey Reyes John Estrada John Prats Julia Montes Kathryn Bernardo Kean Cipriano Lady Gaga Lauren Young Lee Min Ho Lovi Poe Lucky Mercado Luis Alandy Maggie Wilson Mang Enriquez Marco Alcaraz Maria Venus Raj Mariah Carey Mark Bautista Marvin Agustin Matteo Guidicelli Maxene Magalona May Bukas Pa Megan Young Melai Cantiveros Melason Melissa Ricks Michael V Mikael Daez Miko Petito Nonito Donaire Paulo Avelino Princess Ryan Rachelle Ann Go Rainier Castillo Randy Santiago Raymond Isaac Rayver Cruz Rhian Ramos Rich Asuncion Richard Gomez Rodjun Cruz Rufa Mi Ryan Cayabyab Sexbomb Girls Sheena Halili Studio 23 Sugar Mercado Susan Roces TJ Trinidad TV Commercial Technology Vanessa Hudgens Vic Sotto Wanlu Wilma Doesnt Xyriel Manabat Yeng Constantino Zac Efron Zanjoe Marudo

Showbiz Updates



Twitter and Facebook!



Disclaimer:

All images are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted. All visual content is copyright to it's respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be promptly removed.

We are not responsible for content on any external website, and a link to such site does not signify endorsement. Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's proprietors do not make warranty as to the correctness or reliability of the site's content.

This blog is not affiliated in any way with ABS-CBN, GMA-7, TV5, NBN4, QTV, Studio 23, CS9, IBC-13, MYX, ETC, SBN 21 or even Net25, its affiliates and subsidiaries. To know more, please read this blog's Privacy Policy.

  © Blogger template Shush by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP