.

Rustom Padilla Is Dead

Rustom Padilla Is Dead

NAGKAGULO sa NAIA terminal 1 kahapon nang umaga dahil sa pagdating ni Rustom Padilla. Babaeng-babae na ang ayos niya.

Sabi niya nang makapanayam ng Startalk, namatay na raw si Rustom. Ang kaharap daw naming kahapon ay si BB na. Iyun daw ang palayaw ng Binibini.

Ang buong akala namin ay paghahanda lamang ito sa promo ng bagong stageplay na gagawin niya dahil bagong karakter bilang Binibining Gandang Hari ang gagampanan niya roon.

Sineryoso pala ni Rustom ang pagbabagong-anyo niya dahil hindi na raw siya tatanggap ng mga proyekto na lalaki o bading ang role niya.

Si BB na raw siya kaya girl na raw siya talaga.

Tinanong namin kung totoong nagpa-sex change na ba siya sa Amerika. Napangiti lang ito.

May iniinom ba itong gamot para lumusog ang dibdib at tuluyan nang maging girl ang katawan niya? Hindi rin siya sumagot.

Ang tanging nasabi lang niya, sa loob ng tatlong buwan sa Amerika, nag-aral daw siya nang husto at dumaan sa psychiatric treatment para tuluyan na siyang maging babae.

Gaano na siya kababae?

“Physically, emotionally, spiritually, and even financially,” nakataas ang kilay na sagot ni Rustom (o BB).

Tuluyan na raw niyang pinatay ang dati niyang katauhan. Pati na ang mga nakaraan niya ay wala na rin kaya harapin na raw natin siya sa bago niyang pagkatao na si BB.

Bago raw siya umalis patungong New York ay nagkausap daw sila nang maayos ni Robin. Pati na rin daw si Mommy niya ay nagkausap na rin daw sila.

“Wala namang magagawa si Mommy, sa kanya naman ako nagmana ng kagandahan niya, eh,” patuloy nito.

Hindi raw siya nagpaalam sa pamil­ya niya sa desisyon niyang pagbabago ng image dahil sa pagkakaalam niya, wala siyang atraso o inaapakang tao o kahit sa pa­milya niya.

“Sa Diyos lang ako nagpaalam. Sa Kanya lang ako may pananagutan,” seryosong pahayag nito.

Ano ang pagkakilala niya kay BB?

“She’s a God-fearing and lovely lady,” deretso niyang sagot.

Ilang buwan ding nag-aral ng modeling si Rustom (BB) sa New York at nagbasa siya ng maraming libro para sa mga pagbabago niya.

Mas masaya raw siya ngayon at kaila­ngang sanayin na raw natin na siya ay si BB na.

Kung si BB ang papipiliin ng makakapareha niya sa isang proyekto, mas gusto niya si Richard Gomez.

Okay rin bang si Zoren Legaspi ang makatrabaho niya? “Pwede niya akong idirek,” sabay niyang halakhak.

Nakunan ng reaksyon ang mag-partner na Zoren at Carmina Villarroel, at wala raw silang masasabi riyan dahil buhay na raw iyun ni Rustom.

Sabi pa ni Zoren, walang problema sa kanya kung makatrabaho niya si Rustom (o BB) basta maganda ang project.



ABU TILAMZIK, Abante Tonite



Anonymous –   – (Tuesday, January 20, 2009 11:36:00 AM)  

adik na yata tong lola mo eh futa kung ano anong naiisip SUMBong kita kay liver lover boiy! mwahaha!

Post a Comment

what can you say about this?! :)

ABS-CBN GMA-7 PBB Marian Rivera TV Ratings Movies TV5 Magazines Star Cinema Angel Locsin Videos Music Site News Awards Scandals Dingdong Dantes Piolo Pascual StarStruck MMFF Manny Pacquiao Asianovelas Kris Aquino Beauty Pageant Katrina Halili Sarah Geronimo Survivor Philippines Wowowee KC Concepcion Myx Richard Gutierrez Sam Milby Cristine Reyes Karylle Marky Cielo Anne Curtis Charice Pempengco Judy Ann Santos Sports Gerald Anderson Heart Evangelista John Lloyd Cruz Pinoy Fear Factor FHM GMA Films Hollywood Kim Chui Poll Angelica Panganiban Celebrity Feuds Joey De Leon Jericho Rosales Regine Velasquez Ruffa Gutierrez Viva Films ASAP Bea Alonzo Blind Item Jennylyn Mercado Regal Entertainment Robin Padilla Rufa Mae Quinto SOP Sam Pinto StarTalk The Buzz Willie Revillame Willing Willie Jake Cuenca Luis Manzano Politics Roxanne Guinoo Shaina Magdayao Sharon Cuneta Vice Ganda Aga Muhlach Andi Eigenmann Betty La Fea Celebrity Duets Entertainment Live Eugene Domingo Gretchen Barretto Komiks Presents Kristine Hermosa Mariel Rodriguez Ogie Alcasid Paolo Bediones Phil Younghusband Shalani Soledad Toni Gonzaga Aljur Abrenica Denise Laurel Gabby Concepcion Iza Calzado JM De Guzman Joey Marquez John Lapus Justin Bieber Kris Bernal LJ Reyes Ma. Venus Raj Maalaala Mo Kaya Mr. Fu Nadine Samonte Patrick Garcia Pokwang Sandara Park Selena Gomez Showbiz Central Sid Lucero Solenn Heusaff Star Circle Quest Tayong Dalawa Valerie Concepcion AJ Perez Agot Isidro Ai Ai delas Alas Albert Martinez Albie Casiño Alessandra De Rossi Alex Gonzaga Alfred Vargas Annabelle Rama Audie Gemora Bayani Agbayani Billy Crawford Binibining Pilipinas Boys Over Flowers Britney Spears Buboy Villar Carla Humphries Carlo Aquino Chito Roño Chris Brown Christopher de Leon Claudine Barretto Coco Martin Coney Reyes DJ Durano Danita Paner Derek Ramsay Diana Zubiri Diane Medina Diether Ocampo ETC Eat Bulaga Edgar Allan Guzman Endorsements Erik Matti Erik Santos Eula Valdez Gloria Diaz Hayden Kho JC de Vera Jackie Rice Jason Francisco Jeffrey Tam Jennica Garcia Jennifer Lopez Joey Reyes John Estrada John Prats Julia Montes Kathryn Bernardo Kean Cipriano Lady Gaga Lauren Young Lee Min Ho Lovi Poe Lucky Mercado Luis Alandy Maggie Wilson Mang Enriquez Marco Alcaraz Maria Venus Raj Mariah Carey Mark Bautista Marvin Agustin Matteo Guidicelli Maxene Magalona May Bukas Pa Megan Young Melai Cantiveros Melason Melissa Ricks Michael V Mikael Daez Miko Petito Nonito Donaire Paulo Avelino Princess Ryan Rachelle Ann Go Rainier Castillo Randy Santiago Raymond Isaac Rayver Cruz Rhian Ramos Rich Asuncion Richard Gomez Rodjun Cruz Rufa Mi Ryan Cayabyab Sexbomb Girls Sheena Halili Studio 23 Sugar Mercado Susan Roces TJ Trinidad TV Commercial Technology Vanessa Hudgens Vic Sotto Wanlu Wilma Doesnt Xyriel Manabat Yeng Constantino Zac Efron Zanjoe Marudo

Showbiz Updates



Twitter and Facebook!



Disclaimer:

All images are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted. All visual content is copyright to it's respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be promptly removed.

We are not responsible for content on any external website, and a link to such site does not signify endorsement. Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's proprietors do not make warranty as to the correctness or reliability of the site's content.

This blog is not affiliated in any way with ABS-CBN, GMA-7, TV5, NBN4, QTV, Studio 23, CS9, IBC-13, MYX, ETC, SBN 21 or even Net25, its affiliates and subsidiaries. To know more, please read this blog's Privacy Policy.

  © Blogger template Shush by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP