.

Willie Revillame Versus Lea Salonga, Jim Paredes, Aiza Seguerra, Agot Isidro, Bianca Gonzales & Leah Navarro

TV5 host Willie Revillame announced last night during Willing Willie that the show will go off air, temporarily, starting this Monday, April 11, 2011.

The announcement started during the early part of the show that Willing Willie won't go live and will just have a pre-taped episode tonight, April 9. In addition, Willie also announced that all of its advertisers will just have to place ads until tonight's episode.

Willie also took the opportunity to attack few of his critics. He particulary mentioned Lea Salonga, Aiza Seguerra, Jim Paredes, Bianca Gonzales, Tuesday Vargas, K Brosas, Leah Navarro and even ABS-CBN shows like Goin' Bulilit and Showtime.

Read full transcript below:

"Sa April 23 po, magsi-6 months na po ang programa namin, anim na buwan na po tayo.

"Noon pong March 12, nagkaroon po ng problema, which is nag-react po ang lahat after 1 week. Yun pong bata na si Jan-Jan na sumayaw daw po ng malisyoso at hinusgahan na po kaagad ako ng mga sangay ng gobyerno. Sinabi nila na inabuso ko 'yung bata, na-child abuse ko, in-exploit ko yung bata dahil pinasayaw ko daw nang pinasayaw, dahil ho umiiyak na raw yung bata, pinilit ko pang sumayaw.

"Alam nyo ho, una ho sa lahat, pag nagkaroon po kami ng audition, hindi ko ho nakakausap yung mga contestant sa Wiltime Bigtime. So dito ko na ho nami-meet 'yan. So if you will notice, yun pong eksenang yun, tinanong ko siya 'ano ang kakantahin mo?' pero sabi niya hindi po ako kakanta, sasayaw ako. Naalala nyo 'yun. Ito pong batang ito'y anim na taon lamang eh. Ang kanya pong father sabay binati pa niya, batiin ko ang tatay ko may parlor. So di po namin alam ang buhay ng ating mga kababayan.

"Sana'y magsi-celebrate kami ng anim na buwan nitong 23, tayo, tayong lahat. Kanina ho, at for the past days, mga ilang araw ho, marami akong pinagdaanan eh.

"Nung nasa ABS pa 'ko, nagkaroon ng stampede, 71 dead people. Sa morgue po, mag-isa lang po akong lumalapit, wala akong kasama na mga boss ng ABS, ako lang po yun. Wala akong kasama. Ako ho ang humingi ng tawad sa pamilya, ako rin po ang humingi ng tawad sa mga bangkay, 71 dead people, sa mga nanay humingi ko ng tawad. Pitumput-isang bangkay po yun na lumuluhod ako, hanggang minumura ako ng ibang pamilya.

"Lahat ng mura inabot ko pero after ho murain ako, inaakap ako. 'Kung hindi ka lang mahal ng nanay ko, papatayin kita Willie. Pinuntahan ka ng Nanay ko, kasi birthday ng Nanay ko, kagabi nagpa-manicure pa sya, kasi Nanay ko labandera lang Willie, para pag hinawakan mo daw sya, maganda yung kamay nya.'

"Marami hong istoryang totoong na-experience ko. Nung time na nakaburol lahat ng mga yan, ako lang ho ang pumupuntang mag-isa, sarili kong pera. Hindi ko na ho to dapat sabihin pa, pero ito na po ang pinakagrabeng, grabeng kampanya na tanggalin po ako sa industriya. Ako pong humihingi ng tawad sa pamilya, ako hong humaharap, ako po lahat yan. Alam po ng Panginoong Diyos yan. Sa sarili kong pera, inaabutan ko po ng palihim lahat ng 'yan.

"Nakabalik po ang programa at minahal nyong lahat. Naniniwala ako yung 71 na taong yun, ung mga nanay at lolo namatay, pinagdadasal po ako lagi. Nilalapit ako sa Diyos na sana'y laging nandito ako, kaya naniniwala po ako na nandito pa rin ako sa harap nyo.

"Nagkaroon po kami ng problema, ung Wilyonaryo, dayaan, hangga't nakapag-away po kami ni Joey De Leon dahil nandadaya daw ako, ung mga ganitong salita, pero nagkaayos na po kami, naging maayos na po kami ni Joey dahil malaki ho respeto ko sa taong un, at kay Vic Sotto at sa Eat Bulaga.

"Nagkaroon ng problema, ako na naman ho ang hinarap ng ABS nun, 'ikaw makipag-usap sa tao' na hindi ko po kasalanan un. Kasi ho, kaya ko sinasabi lahat to, matagal ho akong tumahimik. Tumahimik ako nang sa sarili ko na lang tinitiis kasi hindi ko na ho pinuproblema yung ganyan. Ako na lang ang tirahin. Tahimik lang ako.

"After po nung Wilyonaryo, nagkaroon po ng insidente with well-loved President, the late Cory Aquino. Ang lahat po ng sasabihin ko sa inyo ay totoo lamang. Hindi po ako magsisinunangaling sa inyo. At alam ng mga tao yan.

"Nung ako po'y pumasok, may tumawag sa kin na si Tita Cory daw po, ang ating Presidente, ay wala na. So nag-isip kaagad po ako, tinawagan po ako ng aming direktor, ang nirerespeto ko't minamahal kong si Mr. Johnny Manahan, Mr. M, sabi niya 'Willie na ang ating well-loved President na si Tita Cory, ano'ng nasa isip mo?'

"Bigla po akong tumawag sa 'king EP (Executive Producer). Pinakuha ko ung mga video po niya sa TV Patrol, sabi ko kakanta ko ng 'Munting Hiling', pakuha kayo ng mga kandila para magdasal tayo at magbigay ng respeto.

"Yun po ang araw na namatay si Tita Cory. Kumanta ko ng Munting Hiling. Kung makikita nyo ung tape na un, very solemn po un, nagbigay kami ng respeto. And Kris Aquino texted me, sabi niya, 'Willie mahal ka ng Nanay ko, kasi pag nanonood siya.'

"Kahit noong si Tita Cory po eh nasa ospital, tinitext ako ni Kris kasi ung mga anak niya, kini-kiss daw ung TV, hinahalikan ako, dahil paborito nung mga anak niya ung kanta ko, Kung Para Sa Yo, pati si Tita Cory.

"After po nung pangyayaring un, kinabukasan, dapat magti-taped (episode) kami. Sinabi ko po sa management na ibigay na natin to sa mga Aquino(s) kasi bat tayo magsu-show, sasayaw ako ng Giling-Giling, magsasaya kami, pero ang well-loved President, ipinagluluksa ng sambayanan.

"Nung una po nagtaping kami, kasi nung araw pong yun ay taped, mas maaga kong pumasok, tapos nung nasa kwarto ko, ilalabas na raw po yung na-tape namin.... Para maintindihan nyo po lahat, kasi grabe na ho akong tirahin ng Inquirer, ng mga dyaryo, sa email, sa Twitter. Parang gusto nila, mamatay na ko, mawala na ko sa mundong ito. Ganon po ang ginagawa sa kin ngayon.

"So after po nun, live yun, I'm sure nanonood ang mga tiga-ABS at totoo 'to. Wag na wag kayong magsisinungaling. Kahit saan tayo mapunta, haharapin ko 'to.

"After po nun, sinabi ko po, sa tape, okay, nung naka-tape po kami, ipinalabas po. Walang nakakaalam nito eh. Sasabihin ko na ho lahat to. Sobra na ho ang kampanya na ginagawa sa 'kin. Lumabas po dun sa screen, habang sumasayaw kami ng Giling Giling, ung kabaong ni Tita Cory.

"Tumawag kaagad po ako sa isa sa mga boss, kay Ms. Linggit Tan, 'Ano ba naman kayo? Nagsasaya tayo, nagluluksa ang sambayanan, papasukan nyo kami ng ganyan. Nakakahiya sa Pamilya Aquino. Tinanggal po yun, so nag-react sila sa sinabi ko. Pinapasukan kami, sumasayaw kami ng Giling Giling, meron pong kabaong ng Mahal nating Presidente. Ang bastos naman. At ako ho ang tumawag sa Management, wag nyo namang gawin yan sa min. Nakakahiya kay Tita Cory at sa Pamilya Aquino. Nagsasaya kami, ang sambayanang Pilipino eh nagluluksa. Parang wala kaming respeto.

"Ano hong nangyari? Ang nangyari ito. Alam ng Diyos to. Tutal ginaganyan nyo ko, sasabihin ko na lahat. Tumahimik ako para walang problema. Kasuhan nyo ko, haharap ako sa inyo. Isa ho sa management. Ang sinabi ko, 'Ibigay na natin 'to sa mga Aquino(s)'. Ano hong sinabi sa 'kin? 'Kailangan nating kumita. Commercial'. Alam mo kung sino ka at haharapin kita. Sobra na ginagawa nyo sa kin. Sinabi po yan!"

"Pagkatapos po nun, humarap na naman ako ng live. During the Willie of Fortune, meron pong isang sumasayaw ng Nobody Nobody, inilabas na naman po ang kabaong ni Tita Cory. Kung ire-recall nyo yun, dun na ulit ako nagalit. Kasi nilabas na naman po, tumawag na ko sa management eh.

"Anong ginawa nung mga walang hiyang sumisira sa kin? Pinakita po un sa Youtube, na galit na galit daw ako, binabastos ko daw ang Presidente. Alam nyo ba ang puno't dulo nun? Un ang totoo nun, bago pa mangyari yan, tumawag na ko sa Management, kinausap ko na sila, wag naman nating ipalabas yan, magbigay tayo ng respeto.

"Ano'ng ginawa nyo sa kin? Winasak nyo na naman ako sa Twitter, sa Youtube. Pero di nyo pinanood ung kabuuan at hindi nyo alam. Isang tao lang po nanindigan sa 'kin, direktor ko po yun sa Wowowee, Mr. Johnny Manahan, Mr. M, palakpakan nyo po yang tao yan.

"Dahil alam na alam po niya ang katotohanan. At andun siya. Sa Pamilya Aquino, sa Presidente, eto po ang katotohanan.

"Pagkatapos po niyan, ilang kaso na yan, Wilyonaryo, stampede eto. At pagkatapos po nyan, eto na naman, babalik na po ako sa Wowowee July 31. Kinausap na ko ni Ms. Charo Santos, nag-meeting na po ako sa staff ko, pinuntahan ako ni Linggit Tan sa Tagaytay, inayos. Meron po kaming pinadalang sulat, na nag-react ako kay Jobert dahil isang bubong lang kami, tinitira ko sa isang bubong. Tapos na po un eh. Nangyari na ho yan.

"So ang pakiusap ko sana sa Management, bakit naman, siguro naman, kahit papano kumikita ang Wowowee, ano hong ginawa nila? Wala naman silang ginawa. Nung sumulat po ang abogado ko, sa kanilang lahat diyan, kay Ms. Cory Vidanes, kay Boss Gabby, kay Ma'am Charo, nag-react pa sila. Ano hong balak nila sa king gawin? I-stop yung show at bigyan na lang ako ng once a week show.

"Pero babalik na po sana ko. Sang araw bigla na lang ako tinawagan ni Linggit Tan na, tinawag ako, nag-meeting kami sa isang hotel, andun si Direk Bobot, andyan si Jay ang aking business unit head, ang sabi nila, 'Hindi ka na makakabalik. Once a week ka na lang.' Nilalagay pa ko sa Studio 23 eh, nilalagay ako sa isang programa na talagang, parang totally ina-out na rin ako. Bakit ho? Eh nangako na silang babalik ako. Yan ang totoo nyan. Kaya nagdesisyon na ko na hindi na ko bumalik.

"Etong lahat ng ito, yan ang totoo. Tapos ho eto, nangyari na naman 'to. Sino ba gumagawa nito sa paninira na 'to? Meron po kaming kaso pa. Hindi kami makuhanan ng TRO. Pilit nilang kinukuha na kami po'y mapahinto, maglilimang buwan na ho mahigit, hindi nila makuha ang TRO.

"Eto po ngayon, nakakita ng butas. Hindi ko sila pinagbibintangan. Sinong gagawa nito? Kung sino man ito, mahabag kayo. Ako okay lang eh. Mabubuhay naman ako kahit papano. Kuntento na ko sa meron ako ngayon, di na ko naghahangad. Pero ung mga taong nangangarap, ung mga taong humihingi ng pag-asa, ung mga taong nakapila sa labas. Di ba?

"Ung mga Nanay, ung mga lola, ung mga special children, mga nandito araw-araw, kayong gumawa nyan. Kung sususpendihin ang show, hindi naman ako natatakot na eh. Lagi nyo naman akong ginaganyan. Ilang beses nyo kong tinanggal sa ABS, pero pag kailangan nyo ng ratings, tatawagan ka, ibabalik ka. Di ba? Wag nyo na kong lagyan ng music. (music stops)

"Nakipag-usap po ako sa TV5 Management. Ilang araw na po akong nag-iisip. Ang sabi ko sa kanila, itong mga taong 'to ayaw na kong tigilan, hanggang ililibing na ko nang buhay nitong mga 'to...

"Tinira po ako sa Twitter, nung si Jan-Jan, ung bata. Ang ipinakita po, pinutol, inisplice po nila yan, at ipinakita ung umiiyak ung bata. Pinwersa ko daw sumayaw, pinaiyak ko daw, chinild abuse ko ung bata. Panoodin nyong lahat ung segment nung Wiltime Bigtime, kung papano, ni hindi ko nga alam ung nagsasayaw nung bata, pinaglaruan ko daw. Wala ho ni isa dito sa loob studio na nakaisip na may malisya sa batang 'yun.

"Nakadamit ung bata, nakaayos ung bata, sumasayaw ng ganon. 4 years pa lang ho si Jan-Jan, un na ang sinasayaw nya sa eskwelahan, sa mga pa-kontes, un na po ang sayaw nung bata.

"Ngayon, alam nyo ginawa ng DSWD? Kinasuhan na agad ko na, inakusahan na kaagad ako na child abuser ako. Anong ginawa ng CHR, Human Rights? Yan ho, hinusgahan na agad ko na inexploit ko ung bata, na-child abuse ko. Lahat ho dito inakusahan na ko, sa dyaryo, lahat, dinudrawingan pa ko na monster, lahat, kung mababasa nyo yan.

"Ito ung mga mayayaman. Hindi naman ako naapektuhan eh, dahil ang puso ko'y wala sa kanila, nasa mahihirap, nasa mga taong 'yan.

"Gusto ko lang hong ipaliwanag sa inyo. Ung Procter & Gamble ay naglabas ng statement na napakasakit sa 'min. Sila po'y nag-pullout na. Ung Mang Inasal, nag-pull out na rin. Dahil may statement sila, na ayaw nilang, well katulad ng P&G, napakasakit nung ginawa nila sa 'min, masyadong personal, na ayaw nilang maglagay sa isang programang ganon, ung behaviour ay hindi maganda.

"Wala po kaming kasalanan. Wala 'kong kasalanan. Humihingi na ko ng paumanhin sa inyo, na kung merong na-offend, pero hindi ho ako hihingi ng tawad kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang 'yun, hindi ko minolestiya ang batang 'yun.

"Gusto ko lamang magpasalamat naman po sa Unilever. Sila po'y nagpaalam sa kin kagabi nang maganda. Mineet nila ko. Sobra po. Ung Surf, Rexona, Vaseline, Pepsodent, alam nyo ho ang purpose nito magbigay ng saya, gustong ibalik nila pag binibili yung produkto. Ang sabi po nila, naglabas sila ng statement, 'Willie aalis kami sa programa mo. Pero aalis kami sa lahat ng channel, in fairness sa 'yo. Para hindi kami unfair. Palakpakan nyo po ang Unilever.

"Wala pa pong husga eh. Wala pa sa kaso. Ginawa nyo na kong kriminal. Kayo ngang lumabas sa gate, magbigay nga kayo lagi ng pera dyan sa matatanda. Bumaba nga kayo dyan sa labas ng kanto, bigyan nyong mga naghihirap dyan. Un dapat ang ginagawa nyo. Hindi ung pinupuntirya nyo ko.

"Maraming mga artistang nakisawsaw. Mag-isip muna kayo bago kayo makisawsaw. Ang sakit nyo. Yan si Jim Paredes ng Apo, tinira ko sa Twitter, si Aiza Seguerra, tinira ko sa Twitter, si Agot Isidro, Lea Salonga, Mylene Dizon, sasabihin ko na lahat, sino pa, Bianca Gonzales ng SNN, susuportahan nyo ba ang mga taong yan?

"Anong nagawa nyo? Anong nagawa nyo sa sambayanang Pilipino?

"Sino pa? Si Tuesday (Vargas) na kasama ko dito tinira rin ako. Di ko maintindihan na tagarito ka, tinira mo ko. K Brosas. Sino pa? Leah Navarro okay. Sino pa?

"Kapwa tayo artista, nakagawa ba kayo ng tulong? Nagbigay ba kayo sa Bantay Bata ng isang milyon? Nagbigay ba kayo? Hindi.

"Wag kayo maghuhusga ng kapwa nyo artista. Dapat magkasama tayo dun. Tulungan nyo kami pag nagkakamali kami, wag kayong maghuhusga. Tandaan nyo, ung masang Pilipino ang sumusuporta sa inyo.

"Yan pong mga pangalan na yan, winasak ang pagkatao ko sa Twitter. Yan pong mga taong yan. Jim Paredes ng Apo, Lea Salonga...

"Aiza Seguerra, magpakalalake ka! Tandaan mo yan. Bata ka pa, di ba, nagtatrabaho ka na, di ba exploitation yan. Mag-isip ka. Tingnan nyo muna sarili nyo bago kayo magsalita.

"Agot Isidro, wala ka namang anak eh bat mo ko gaganyanin, alamin mo muna.

"Sino pa? Bianca Gonzales, akala mo kung mga sino kayo!"

"May natulungan ba kayong mga mahihirap?

"Kaya ko lang ho sinasabi to, nagtitimpi ako, ayaw ko tong sabihin, ayokong banggitin ang pangalan nila, pero sa Twitter ho un ang ginagawa nila, ang wasakin ako.

"Tinawagan ang Technomarine sa Switzerland, tinawagan sa Amerika ang Unilever, tinawagan lahat, inemail na magboboycott sila sa mga produkto pag ako daw po ay sinoportahan nila. Boboycottin nyo? Eh itong mga taong sumusuporta na 'to, ibinabalik lang ng mga sponsors, sino ba ang consumers? sino ba ang namimili? kayo ang bida rito hindi ang mga sponsors. Kayo!"

"Dahil kung di kayo bibili ng mga sponsor na to, kung hindi kayo ng mga produktong ito, wala, walang kita ang lahat ng mga ito.

"Sinasabi ko sa inyo lahat yan. Ako po, hindi ako tumutulong nang nasa harap nyo lang. Marami din akong ginagawa, pero hindi ko na kailangang sabihin to. Pasensya na ho kayo, hindi ako emosyonal, hindi ako nagagalit, kaya lang sana bago kayo manghusga ng kapwa nyo, tumingin kayo sa salamin. Ano nagawa ko sa bansa ko? Ano nagawa ko sa kababayan natin?

"Bakit? Dahil sinuportahan ko si Sen. Villar ganito tingin nyo sa kin? Nakita ko ung tao maganda puso eh, nakita ko ung tao tumutulong talaga sa mahihirap eh, kaya I'll stick with him. Dahil ba orange ang kulay ko, pinag-iinitan nyo ko?

"Haharap ako sa inyo, patawag ako ng kongreso, patawag ako ng Senado, kahit sino pa, haharap ako sa inyo dahil wala akong ginawa sa batang 'yun.

"Gusto po nilang mahinto ang programa, halos dalawang daang tao galing ng ABS-CBN yan sumama sa kin, kung masama po akong tao, wala pong sasama sa kin na mga staff ko at mga dancers. Ung iba po dyan, 25 years, 20 years, 18 years na sa kanila.

"Ngayon po, nakipag-usap po ako sa Presidente ng TV5 Atty. Rey Espinosa, nag-usap kami na hanggang ngayon na lang po ako dito sa Willing Willie. Magpapahinga muna po ako, hindi po ako nagpapalam.

"Bukas po naka-tape na kami, lalabas po un, mapapanoon nyo po un. Starting Monday po, hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po munang mabuti kung ako po'y babalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan nyo lang po muna ako ng pagkakataon at sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito, masyado po akong binintangan, na wala po akong ginagawang masama. Sa mga taong gumawa nyan sa kin, ang isipin nyo ung matatanda sa labas, ung mga bata, ung mahihirap, wag ako, wag ako, instrumento lang ako ng mga taong ito, wag nyo akong kainggitan, dahil ako'y di lumalabas kahit sang lugar, lagi lang ako nandito sa studio at sa tahanan ko. Hindi ako nakikipagpagligsahan sa inyo. Kayong magaling, magaling kayo, basta ang puso ko lang andito sa mga mahihirap.

"Hihingi din lang ako ng paumanhin, Boss, Mr MVP, nadamay po kayo rito, Atty. Ray Espinosa, Boss Bobby at sa mga ano, pasensya na ho kayo, wala muna hong Willing Willie. Hindi ho kami sinuspendi. Wala pong suspension ng MTRCB, wag kayong magalit sa MTRCB.

"Nagpalit po sila ng tatlong Board. Baket? Lahat po ng mga yun involved sa ABS-CBN. Ung isang abogado, asawa nya nasa ABS, ung isa po, asawa nya rin nasa ABS. Si Ms. Leah Navarro, biruin nyo, hinusgahan nya na ko sa tweet, tapos isa sya sa mga board. Naghusga ka na sa kin tapos kasama ka sa Board?

"Alam nyo dapat suspended ang show, suspended last night ng 20 days to 30 days. May tumawag sa kin from MTRCB, hindi sila buo dun. Meron ding mga galit sa mga desisyon nila. Dapat ho suspendido kami, pero anong nangyari, naputol, kasi pinakita ho namin ung mga babaeng sumasayaw sa Goin' Bulilit na naka-bra lang, pinakita namin, ha, ung mga apat na lalake na nakalampin sa Showtime na sumasayaw din ng katulad nung kay Jan-Jan.

"Bakit kami lang? Kung sususpendihin nyo kami, suspendihin nyo lahat yan!"

"Di po ba tama yun? Iba ang tinitingnan sa tinititigan nyo, maging fair kayo. Tandaan nyo po to, hindi ako titigil sa adhikain na to.

"Maaaring ito ay eye opener sa 'tin. Dapat tulungan natin ang mga bata sa kalye. DSWD, kunin nyong lahat yan, bigyan nyo ng magandang buhay. Human Rights, Chairman, tinitira nyo ko, hinusgahan nyo ko, andaming namamatay na OFWs, yun ang tulungan nating mga kababayan natin sa ibang bansa.

"O alam nyo ba? Ayaw ko na tong banggitin eh. Nagbigay ako ng kalahating milyon, nung pang uwi lang dito ng mga OFW sa Lebanon. Nagbigay po ako. Binanggit ko ba yan? Sasabihin ko lang sa inyo, gumawa ako ng isang paraan. Nagbigay ako ng 1 million kay Ma'am Charo, sa 71 Dreams, 500, sa I think, hindi ko alam kung Bantay Bata o sa isa pa, binigay ko po yan binabanggit ko ba sa inyo yan?

"Meron bang gumagawa nyan? Kung may gumagawa man, mabuti, magsama-sama tayo. Wag nyo kong dikdikin, hindi ako masamang tao. Ang hangad ko lang magpasaya at makatulong sa mga mahihirap.

"Basta nangangako po ako, kahit wala po kaming commercial, pagbalik ko, kahit hindi kami suportahan ng kahit na sino, nakausap ko po Presidente ng TV5, kahit isakripisyo ko na sweldo ko, un pong ibibigay kong papremyo at kasama ko ang TV5, tutuloy po namin.

"Lahat po ng perang makukuha, kahit walang commercial, kahit inabandona na kami ng mga commercial, umayaw sila sa min, kahit umalis sila, kahit walang isang commercial, itutuloy po namin to, ang aming purpose magbigay ng saya at pag-asa. Hihingi ako ng tulong sa aming Presidente, hihingi ako ng tulong kay Mr. Pangilinan, kahit na malugi daw kami, basta ituloy namin yung saya para sa inyo to.

"Maraming salamat po sa inyo. At ah, mawawala muna po kami ng dalawang linggo. Kung anuman, at kung babalik man kami, may panibago hong pag-asa ulit. At bibigyan namin ng proteksyon ang mga bata at ang mga pamilyang katulad ni Jan-Jan. Kami na po gagawa nyan.

"Marami pong salamat, pasensa na po kayo. Lahat po ng sinabi ko sa inyo, kahit idemanda ko ng ABS, haharap ako. Hindi po ako natatakot dahil hawak ko lahat ang katotohanan at may mga lalabas na witnesses sa sinabi ko, pag ako'y dinemanda.

"Tandaan nyo po, ung mga sponsors po na...iniwan ako...wag nyo po kayong magalit sa kanila. Meron po silang boss sa abroad.

"At ung tumitira sa kin sa Twitter, kung idedemanda ka ng TV5, ididedemanda din kita. Magdidemandahan tayo. Idedemanda ko lahat ng tumira sa kin, lahat ng personal, tandaan mo yan.

"Salamat po sa inyo. Basta tandaan nyo po, ito pong programang to, mahihinto muna, after ng Holy Week, and then mag-a-announce po kami kung matutuloy pa ang Willing Willie o hindi na.

"Sa mga nangangarap ng pag-asa, na humihingi, ipagdasal nyo po kami, lahat kami at ipagdasal niya ako. Tandaan nyo po, balewala to, si Jan-Jan, inaaruga ko, ang pamilya niya, dahil mas kailangan nila ang taong kakalinga sa kanila.

"Wala pong kumakalinga sa kanila. Lahat po ng taong lumalapit sa pamilyang ito ngayon, puro minumura sila. Ung tatay, dahil sya daw ay bading, masyadong minamababa. Pero akong ginagawa ko, araw-araw tinatawagan ko pamilya, kinukumusta. Yan po gawin nyo DSWD, marami pang Jan-Jan sa Pilipinas, marami pang mga batang katulad niyan.

"Salamat po sa inyo, magandang gabi sa inyo. Mahal na mahal ko kayo at sana ipagdasal nyo makabalik pa ang programang ito. Thank you so much, magandang gabi po. Thank you!



Anonymous –   – (Sunday, April 10, 2011 2:50:00 AM)  

willie is such a loser! he go on permanent leave

Anonymous –   – (Sunday, April 10, 2011 6:13:00 AM)  

ano ba wrong grammar first comment! typical kapamilya mga basura magkomento.

Anonymous –   – (Sunday, April 10, 2011 6:14:00 AM)  

MGA DETRACTORS NI WILLIE, ANO BA NAITULONG NIYO SA BANSA NIYO? SAGOT!

Siegfried  – (Sunday, April 10, 2011 8:46:00 AM)  

Marami na po akong naitulong sa bansa pero hindi ko na iisa-isahin. Ikaw meron ka na bang naitulong - kahit sa kapitbahay man lang?

Anonymous –   – (Sunday, April 10, 2011 9:06:00 AM)  

When janjan was crying and dancing did willie try to protect the child? No he did not , willie even made fun of it. Listen to his side comments.
He was only 6 yrs old . Tsk tsk tsk!

Anonymous –   – (Sunday, April 10, 2011 9:32:00 AM)  

huoy wilie !!! napaka laki mong FUCK ! .... paka babae ka ! lol ... bading ....... laos ka na .. matanda ka

Anonymous –   – (Sunday, April 10, 2011 9:32:00 AM)  

ang baba naman ng mga isip nyo eh..Panoorin nyo kasi ang kabuuang video nung willing willie bago kayo maghusga..Kaya nga may willing willie para sa mga totoong tao.Umiyak si jan jan kasi natakot sya kay balingit..Mapipigilan ba ni willie kung natakot talaga si jan jan kay balingit.

Anonymous –   – (Sunday, April 10, 2011 10:06:00 AM)  

WILLIE IS HERE TO STAY, THE 'MASA' LOVED HIM! HE CHANGE THE PRIMETIME HABIT OF FILIPINO, TV PATROL IS NOW #3 IN METRO MANILA!

DID YOU SAW THE SPONSORS? UMAAPAW, FIRST TIME NAG ADVERTISE NG MANG INASAL SA ISANG TV SHOW AND THAT'S WILLING WILLIE.

ABS-CBN HAS ILL FEELING TALAGA FOR THE SHOW, THEY WANT IT CLOSED, KASE NGA PALUGI NA SILA. KONTI ANG SPONSORS NILA HAHAHA

ILANG TRO NA BA ANG NABASURA HA?

NAGSISISI KASE SILA NA PINAKAWALAN NILA SI WILLIE LOOK AT JOBERT NOW AND POKWANG AND ANG PUMALIT NA NOONTIME SHOW SA WOWOWEE? JUSKO BORING IS AN UNDERSTATEMENT. PILIT NA PILIT SUMAYA.

ABS-CBN PALUBOG NA KAYO GOODLUCK NA LANG :D

Anonymous –   – (Sunday, April 10, 2011 10:14:00 AM)  

______________________________________________
willie gave millions of peso to the poor, kayong mga basurang laos celebrity kayo ano binigay niyo? ikaw aiza seguerra pamumuhay mo IMORAL yan ba ang modelo ng kabataan, isa kang sawsawera di ka kilala. laos ka! baboy na tomboy.

wala kang titi aiza seguerra!
baog ka agot isidro.

_______________________________________________

Anonymous –   – (Sunday, April 10, 2011 10:17:00 AM)  

willie matanda na?!! si joey de leon bata pa pala. wala sa edad yan bobo. i compare mo yung yaman ni willie dyan sa idol mong si joey, walang wala.

sa bahay palang, may yate pa at sasakyan. isang show lang yan ni willie ha, hindi kailangan magkandakuba kakatrabaho just like joey de leon also known as even de mata

Anonymous –   – (Sunday, April 10, 2011 10:23:00 AM)  

willie is the most powerful pinoy celebrity, according to yes! magazine =D

Anonymous –   – (Sunday, April 10, 2011 2:28:00 PM)  

ginagamit lang ni willy ang mahihirap para sa kanyang sariling asenso, nagpapangap na makatao para maakit ang mga inosenteng mahihirap na gustong yumaman na nagagamit sa kanyang programa para dumami ang mga sponsor.. ang tunay na willie talaga ay bastos, arogante, mapagsamantala,ambisyoso, makasarli( ayaw mag asawa gustong suluhin ang pera at tikman ang matipuhan).

Anonymous –   – (Sunday, April 10, 2011 2:30:00 PM)  

ginagamit lang ni willy ang mahihirap para sa kanyang sariling asenso, nagpapangap na makatao para maakit ang mga inosenteng mahihirap na gustong yumaman na nagagamit sa kanyang programa para dumami ang mga sponsor.. ang tunay na willie talaga ay bastos, arogante, mapagsamantala,ambisyoso, makasarli( ayaw mag asawa gustong suluhin ang pera at tikman ang matipuhan).

Anonymous –   – (Sunday, April 10, 2011 4:56:00 PM)  

bastos naman talaga yang willieng yan ehh

SHINJI –   – (Monday, April 11, 2011 12:41:00 AM)  

you all people try to gain some MANNERS before making comment....ABS CBN BITTER....

Anonymous –   – (Monday, April 11, 2011 11:45:00 AM)  

sa lahat ng sumisira kay willie, mamatay na kayo! mga tang ina nyo!

Anonymous –   – (Monday, April 11, 2011 8:39:00 PM)  

I won't be surprise kapag biglang kumandidato yang si willie. Tsk. Tsk. Tsk. His intentions are not genuine. Hindi na kasi natuto e... Haaaaay =((

Anonymous –   – (Monday, April 11, 2011 11:26:00 PM)  

ako'y di maka willie, may pagkapikon at bastos sya pero itong news na ito it was really blown out of proportion, lenten season pa naman ang mga artista sawsaw ng sawsaw bakit di hayaan ang resulta ng desisyon ng MTRCB, di naman kailangan makisawsaw lahat eh para kayong mga kuyog. siguro bastos, at pikon si Willie pero may puso sya na tumulong talaga, nakalakhan nya na lang siguro ang pagiging ganyan ang ugali na may pagkahanbog pero bakit kung makaduro naman itong mga taong ito OA na eh! Tapos itong asawa ni sharon cuneta nakikisawsaw din, dapat ang sasabihin nya hayaan natin ang mtrcb na gawin ang trabaho nila hindi ung para kang palengkero na makikisawsaw pa, unless totoo ang mga balita na binabae talaga itong senator na ito. or baka nakita kasi na sa facebook si Gabby Concepcion ay sumosuporta kay Willie kaya sya naman biglang ganyan hhay naku tigilan mo na, tigilan nyo na yan, yan ba ang tinatawag nyong pagkakaisa. ang marunong na tao eh di putak ng putak, tama si willie wala pa namang resulta investigation sinakdal na agad. buti pa si Pnoy okay na okay ang statement di makikialam, ngayon ka lang tumama!!! sana tigilan nyo na si willie at sana makabalik sya sa ere at ikaw willie medyo ilessen mo kasi ang pagbabastos mo sa live TV at nang di ka nababatikos ng mga kuyog! ang dasal ko makabalik ka sana sa ere para mapatunayann ng mga taong ito na kung ikaw ay mayabang na mas mayayabang sila dahil super silang magdown ng mga tao. i know makakabalik ka at sana this time mag mellow ka, tingnan mo maglalapitan ulit sayo mga taong ito. huli sa lahat sharon cuneta sabihan mo asawa mong pasaway sinira nya na nga katawan mo pati career mo sisirain na rin nyan kaya hiwalayan mo na hehehehe!

Anonymous –   – (Tuesday, April 12, 2011 5:38:00 PM)  

kayong lahat na nag comment, sigurado ba kayo na wala kayong ginawang mali sa buhay nyo..hindi nyo ba makita ang ponto ng iba. ang ibg namin sabihin ay oo may kasalanan c willie pero ung dikdikin sya ng ibang istasyon ay hndi na tama, dahil lang palubog na ang mga noontime show nila na sobrang boring naman.pinagsama-sama ang mga laos may rats-ki pah...mahiya nga kayo.si willie kahit ganyan sya nakatulong sya, maliban sa iba jan na pinipilit sumaya ang show wala naman mga K..


kayong nagkokoment kau, mag-icp..mga wala rin kayong kwenta...

Anonymous –   – (Tuesday, April 12, 2011 7:07:00 PM)  

si willie po kasi may pgkahambog tlaga mgsalita yan,umasta,kumilos etc. pero sa ginawa sa knya ngyn .SOBRA...dpat yung mga humusga s knya n mga celebrity,.hndi n dpat nla sinapubliko ang nasa loob nla...hinusgahan nla agad ang tao..npkdmi png sumawsaw..wag nla tngnan ang kamalian ng knlang kapwa,tngnan nla ang goodside.si willie khit my mga kamalian dn.my puso rin sya para sa kapwa nya lalo na sa mga mahihirap....

Anonymous –   – (Wednesday, April 13, 2011 4:06:00 PM)  

I used to hate him, but upon reading this, I can say he is a very honest and vulnerable person..He's not that bad after all, OK u r forgiven, more power Wil. I feel so sad sa ABS, looser attitude na talaga, employing desperate maneuver tsk tsk..

ronron  – (Thursday, April 14, 2011 2:05:00 PM)  

GOD.."WE WILL STAND" TO CONTINUE HELP PEOPLE, TO INSPIRE,TO GIVE JOY AND LAUGHTER.

Anonymous –   – (Saturday, April 16, 2011 5:05:00 AM)  

After reading this, my respect for Willie just grew. I mean seriously, how could people hate him? It's pathetic, really. I'm not really a fan of him, okay? But this... THIS. dsgsdkaslkdfhafhsdfh This left me speechless. And to all of his haters out there, seriously guys, instead of wasting your time hating on him, why don't you just try and make this country a better place? GO. DIE. IN. A. HOLE.

Anonymous –   – (Saturday, April 16, 2011 5:06:00 AM)  

WILLIE REVILLAME FOR PRESIDENT! WOOO!

Anonymous –   – (Monday, April 18, 2011 3:04:00 PM)  

im not also a fan of willie,,minsan nga asar pa pero hinde naman ako basta nang huhusga sa bawat ginagawa nya,,,when i heard the news about the janjan don sa bata na na-expolit daw ni willie,,, ginawa ko pinanood ko muna un video and nagtanong din ako bakit umiiyak na un bata bago pa lang sumayaw,,,so un pala natakot don kay balingit so i think wala naman kasalan si willie,,, at cguro naman kung against sa ginagawa nya un bata hinde nya itutuloy ang pagsasayaw at pipigilan pa ng magulang,,pero hinde eh un talaga ang talent ng bata,,, nadala lang ng emotion un bata ng takot don sa akala nya kapre... pero sa totoo lang bakit ba napakalakas ng hatak ni willie sa mga tao? sabi nila namimigay kase ng pera,,,sabihin na natin ganun talaga ginagawa ni willie cguro dapat matuwa na tayo kase nakakatulong naman pala talaga sya,,,bakit ikaw ba namimigay ka ng pera cguro hinde diba, kung hinde man pera ni willie un binibigy nya atleast nag-she-share pa din sya sa kapwa nya. ang nanay ko nga aliw na aliw kay willie sabi ko pa nga sa nanay ko ano ba kayo wag nga kayo masyado paniwala jan kay willie, pero ng mabasa ang statement nya sa kabila banda may punto sya,,,bakit nga ba gusto sya ilibing ng buhay ng mga naninira sa kanya,,,hayyy sana lang malampsan ulit ito ni willie, bakit hinde natin hayaan na makatulong na lang sa tao si willie, tama naman sinabi nya ah ang hangad nya ay ang makapag-paligaya ng manonood hinde ratings. kayo na ang magaling... pagbigyan natin sya...

Anonymous –   – (Tuesday, April 19, 2011 3:22:00 AM)  

ang dami nyong alam!

Anonymous –   – (Friday, April 22, 2011 12:46:00 AM)  

ang ganda na sana kaya lang kailangan pa talagang sabihing 1 million ang binibigay. pano naman tayong mga ordinary people. he has stated his point pero siguro kasama na talaga sa personality niya yung yabang. and super sakit para sa isang girl na ipapamukha sayo na baog ka hindi naman nila choice yun we can't do anything about it kasi it's God's will pero ang personality natin it's within us. Just because he had broadcast his good deeds in national tv then it means he has reap what he sow.

Anonymous –   – (Friday, April 22, 2011 3:49:00 AM)  

Pathetic!! hindi talaga nabibili ng yaman ang Kagandahang Asal... cge pa.. gawin mong shield ang mga tinatawag mong "masa" na sumosuporta sa yo.. You're not only an arrogant person but very conceited man! Grow Up!! LOSER!!

ofw –   – (Friday, April 22, 2011 6:06:00 PM)  

i may not be a fan of willie but i believe him. just remember this willie: nobody can put a good man down.

Anonymous –   – (Monday, April 25, 2011 11:41:00 AM)  

Anong ginagawa niyo dito? Bat kayo naglalahad ng inyong opinyon? Kung may karapatan kayo ang iba wala ba? Anumang klaseng opinyon/reaksiyon karapatan nila iyon.

Masyado lumalaki ang ulo ni willie. Di lahat ng tumutulong mabait. Mudmuran lang kayo ng salapi sinasamba niyo na. kaya niyong ipikit ang mga mali at pambabastos niya kasi nasisilaw kayo sa pera.

Lahat ng ginagawa niya para sa sarili niya. Di kailangang isa isahin ang mga ginawa para ipagyabang sa iba. Wala ako binigay na isang milyon at kung meron man bat ko sasabihin LOL. Pagbubuhat ng bangko ang lahat gustong maging perfecto kitang kita naman ang kulay.

Anonymous –   – (Wednesday, April 27, 2011 1:55:00 AM)  

Firstly po, sinabi ng mga artista un sa social network, lahat naman tayo gumagamit nun, may it be Twitter, Facebook, Friendster, etc. At kaya meron nun, para masabi natin nasa loob natin (e.g. opinion). Tsaka compared sa mga pinagsasabi ni Willie sa show nia, kitang kita sino walang breeding. Mabait? Me mabait bang ganyan? Ang pagtulong d pinagsisigawan, ano alam nia kung tumutulong ung iba o hindi? I respect the opinion of others who, for whatever reason, see no wrong with what happened sa Jan Jan episode. Pero respetuhin nio din ung iba who says otherwise. Tawag dun freedom of speech.

Anonymous –   – (Wednesday, April 27, 2011 2:01:00 PM)  

hayyy naku!! kaya d umunlad ang pilipinas e. puro inggitan. ayaw niong magtulungan.my prof said dati daw nung d pa gaano sikat si willie sa knila daw kumakain. and i think kaya tumutulong c willie sa mga mahihirap ayaw niang matulad sa kung anong dinanas nia noon..,!!

imrac  – (Tuesday, May 03, 2011 8:34:00 AM)  

i dont think we should spend time throwing stones against each other. kaya ang laki ng problema ng mga pilipino, natin is because we are loosing our dignity sa mga bagay na ikakasira ng kapwa natin. I am not fan of willie neither other stars, lagi nating tandaan that willi and the likes are all actors and actress, if they do really good deed, then God Bless their soul, alam naman lahat ng Panginoon yan, hindi natin kailangan pang i brag ang lahat,lagi nating tandaan that what is important is to feel that we are brothers and sisters hindi tayo dapt magsiraan lalo na sa mga ganitong panahon. we should help each other, we should reach out to each other. yun lang ang solusyon sa kahirapan eh, lahat namn to nag ugat dahil sa poverty. tandaan nyo, lahat tayo may kahirapan, sa iba't ibang paraan nga lang..kahirapan sa buhay, kahirapan sa pagkatao, sa kalusugan at sa marami pang bagay. so please stop this mess, let us re unite for the betterment of everyone. maging mahusay tayong mga hukom.

Anonymous –   – (Sunday, May 08, 2011 5:42:00 PM)  

mga walang hiya kayo..!!!kala niyo kung sino kayo mkahusga ..parang kaylilinis niyo!!!
Napaka unprofessional niyo!!
LALO na kayong mga may pinag aralan!!!kuno
mga hipocrita naman!!!



WILLIE WE LOVE YOU!!!
TOTOO KA HINDI KA PLASTIC!!!
MAKIKISAYA PA KAMI SA WILLING WILLIE
WAIT NAMIN UNG PAGBABALIK N'YO!!
MAGPA AUDITION PA KAYO ULIT NG MGA SINGLE PARENTS AND WIDOWER :)

Anonymous –   – (Wednesday, May 18, 2011 2:25:00 PM)  

God bless Willie and TV5. The bottom line is God knows everything. Everyone in my family from Cebu to Tibiao, Antique only watch Willie.
No Willie no TV.

Post a Comment

what can you say about this?! :)

ABS-CBN GMA-7 PBB Marian Rivera TV Ratings Movies TV5 Magazines Star Cinema Angel Locsin Videos Music Site News Awards Scandals Dingdong Dantes Piolo Pascual StarStruck MMFF Manny Pacquiao Asianovelas Kris Aquino Beauty Pageant Katrina Halili Sarah Geronimo Survivor Philippines Wowowee KC Concepcion Myx Richard Gutierrez Sam Milby Cristine Reyes Karylle Marky Cielo Anne Curtis Charice Pempengco Judy Ann Santos Sports Gerald Anderson Heart Evangelista John Lloyd Cruz Pinoy Fear Factor FHM GMA Films Hollywood Kim Chui Poll Angelica Panganiban Celebrity Feuds Joey De Leon Jericho Rosales Regine Velasquez Ruffa Gutierrez Viva Films ASAP Bea Alonzo Blind Item Jennylyn Mercado Regal Entertainment Robin Padilla Rufa Mae Quinto SOP Sam Pinto StarTalk The Buzz Willie Revillame Willing Willie Jake Cuenca Luis Manzano Politics Roxanne Guinoo Shaina Magdayao Sharon Cuneta Vice Ganda Aga Muhlach Andi Eigenmann Betty La Fea Celebrity Duets Entertainment Live Eugene Domingo Gretchen Barretto Komiks Presents Kristine Hermosa Mariel Rodriguez Ogie Alcasid Paolo Bediones Phil Younghusband Shalani Soledad Toni Gonzaga Aljur Abrenica Denise Laurel Gabby Concepcion Iza Calzado JM De Guzman Joey Marquez John Lapus Justin Bieber Kris Bernal LJ Reyes Ma. Venus Raj Maalaala Mo Kaya Mr. Fu Nadine Samonte Patrick Garcia Pokwang Sandara Park Selena Gomez Showbiz Central Sid Lucero Solenn Heusaff Star Circle Quest Tayong Dalawa Valerie Concepcion AJ Perez Agot Isidro Ai Ai delas Alas Albert Martinez Albie Casiño Alessandra De Rossi Alex Gonzaga Alfred Vargas Annabelle Rama Audie Gemora Bayani Agbayani Billy Crawford Binibining Pilipinas Boys Over Flowers Britney Spears Buboy Villar Carla Humphries Carlo Aquino Chito Roño Chris Brown Christopher de Leon Claudine Barretto Coco Martin Coney Reyes DJ Durano Danita Paner Derek Ramsay Diana Zubiri Diane Medina Diether Ocampo ETC Eat Bulaga Edgar Allan Guzman Endorsements Erik Matti Erik Santos Eula Valdez Gloria Diaz Hayden Kho JC de Vera Jackie Rice Jason Francisco Jeffrey Tam Jennica Garcia Jennifer Lopez Joey Reyes John Estrada John Prats Julia Montes Kathryn Bernardo Kean Cipriano Lady Gaga Lauren Young Lee Min Ho Lovi Poe Lucky Mercado Luis Alandy Maggie Wilson Mang Enriquez Marco Alcaraz Maria Venus Raj Mariah Carey Mark Bautista Marvin Agustin Matteo Guidicelli Maxene Magalona May Bukas Pa Megan Young Melai Cantiveros Melason Melissa Ricks Michael V Mikael Daez Miko Petito Nonito Donaire Paulo Avelino Princess Ryan Rachelle Ann Go Rainier Castillo Randy Santiago Raymond Isaac Rayver Cruz Rhian Ramos Rich Asuncion Richard Gomez Rodjun Cruz Rufa Mi Ryan Cayabyab Sexbomb Girls Sheena Halili Studio 23 Sugar Mercado Susan Roces TJ Trinidad TV Commercial Technology Vanessa Hudgens Vic Sotto Wanlu Wilma Doesnt Xyriel Manabat Yeng Constantino Zac Efron Zanjoe Marudo

Showbiz Updates



Twitter and Facebook!



Disclaimer:

All images are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted. All visual content is copyright to it's respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be promptly removed.

We are not responsible for content on any external website, and a link to such site does not signify endorsement. Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's proprietors do not make warranty as to the correctness or reliability of the site's content.

This blog is not affiliated in any way with ABS-CBN, GMA-7, TV5, NBN4, QTV, Studio 23, CS9, IBC-13, MYX, ETC, SBN 21 or even Net25, its affiliates and subsidiaries. To know more, please read this blog's Privacy Policy.

  © Blogger template Shush by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP